♥5♥

14.2K 212 16
                                    

Bangin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Bangin


Sa laki ng mundo... sa libo libong dami ng tao... at sa naranasan ko na naging sanhi ng mga takot at agam agam ko... hindi ko inakala na makakaramdam ako ng ganito.

Hindi ko maintindihan bakit biglang nagbago ang puso ko. Nakaramdam ako ng tapang upang sumubok harapin ang bagong pakiramdam na hatid mo, kahit pa sa estado mo ngayon ay nadudurog ang puso mo dahil sa minamahal mong bumigo sa'yo.

Kahit pa alam kong para kang bangin, binigyan mo ng tapang ang puso ko na sumubok tuklasin... ano nga ba itong sinasabi nilang pag ibig...

Kahit baka ito ang magdulot ng pinakamasakit na sugat na maari kong danasin, basta ang mahalaga naramdaman ko ito...
kahit masakit na hindi ako ang gusto mo.

Naramdaman ni Shayla ang pamumula ng mukha sa pagtitig niya kay Ardy. Siya mismo ay hindi makapaniwala sa sarili.

Huminga siya ng malalim, at binaling ang tingin sa view ng Taal lake.

Napansin niya ang bandang baba ng lugar na iyon, at napagtantong malalim pala ang babagsakan niyang bangin kung mahulog siya -- o kung maisipan ni Ardy na magpatiwakal? 

Umatras siya papalayo sa edge ng terrace.

Napansin ni Ardy ang kaniyang reaksyon.

Hindi kaya ito talaga ang plano ni Ardy kaya ito naglalagi dito?  

Namilog ang kanyang mga mata at mabilis na bumaling dito. She couldn't help but feel worried for him. 

"Naku, Ardy, huwag kang magpapakamatay! Sayang ang kagwapuhan mo! Magkalat ka muna ng lahi."

"What?" napangiti si Ardy sa kaniya.

Napabaling ang kaniyang mga mata sa malungkot na mga mata ni Ardy at hindi rin nakalagpas sa paningin niya ang dimples nito.

May kung ano na naman kumiliti sa kaniyang puso.

"Baket naman?" napakurap siya sa narinig na tanong nito.

"Huh? Ah eh... kasi... diba depressed ka?" sagot lang niya.

"So? If I'm depressed?" napa-isip saglit si Ardy at biglang natawa. "You think I'd go jump?" natatawang tanong nito.

Love in a Rush (Completed/ Published in Dreame app)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon