♥37♥

13.9K 189 27
                                    

Pinagmasdan ni Shayla si Gerard. Nakangiti ito at nakatingin sa audience na parang may hinahanap.

Si Bianca naman ay panay ang hilig kay Gerard. Hinaplos pa ni Bianca si Gerard sa mukha para tumingin ang kanyang asawa dito habang kumakanta.

Ngumiti lang si Gerard pero bumabalik din ang tingin nito sa audience na parang may hinahanap.

Dahil sa audience nakatingin si Gerard imbis na kay Bianca, pumunta si Bianca sa harap ni Gerard para hindi na maaninag ang audience, at saka ito nag-sexy dance sa harap ni Gerard.

"What a slut!" Inis na sabi ni Tanya. Kilala ni Tanya si Bianca kaya alam nitong nanadya si Bianca sa pangseseduce sa pinsan na si Gerard.

Hindi niya namalayan na tumutulo na pala ang luha niya sa sobrang selos at pagkapikon kay Bianca.

Naninigas tuloy ang tiyan niya. Ang sama na nga ng pakiramdam niya, nagpupuyos pa ang dibdib niya sa galit kay Bianca.

Pinapalabas na nga ni Bianca na si Gerard ang nag-cheat sa relationship nito, ginawa pa siyang kaladkarin at incestuous mistress. 

Gusto na niya sumugod sa harapan, hilahin papalayo si Bianca kay Gerard, sampalin, at murahin ito ng "P.I. kang pokpok ka!", bago itulak sa stage, tapos tatawa siya ng malakas.  Ganuon siya kagalit kay Bianca.

Napailing siya sa naisip. Kung gagawin niya iyon, magkokomento ang mga tao na hindi lang pala kaladkarin at incestuos mistress ang pinakasalan ni Gerard, nangugulo din pala siya ng party. Gate crasher.

Pero pakialam naman niya kung ano ang isipin nila? Ang importante lang naman sa kanya ay ang opinyon ni Gerard.

Napabaling siya kay Gerard. Kung gagawa siya ng eksena sa stage ay baka mapahiya ito sa mga ka-batch at hindi naman basta basta ang mga ka-batch nito. Galing ang mga ka-batch nito sa mga alta de siyodad, mayayaman at mga kilalang pamilya sa Pilipinas.  Pinagmasdan niya muli ang asawa.

Nakatingin ito sa audience na parang may hinahanap.  Alam niyang siya ang hinahap ni Gerard. Sigurado siya doon. Nakikita niya sa mata ng asawa na hindi ito interesado sa ginagawa ni Bianca. Pero kahit alam niyang hindi ito interesado, may nararamdaman pa din siyang pagseselos, pagkayamot, at insecurity.

Tao lang ang asawa niya. Puwede itong matukso lalo na sa first love nito.

Natapos ang kanta at naghiyawan ang mga ka-batch ng dalawa. Nanunudyo pa ang mga ito na mag-kiss si Bianca at Gerard.

Ngiting ngiti naman si Bianca.

Nakangiti rin si Gerard at hiniram kay Bianca ang microphone.

"Pasensya na. Ayokong ma-outside de kulambo mamaya sa asawa ko, guys. Sorry!" Pabirong sabi ni Gerard at itinaas nito ang kamay na may wedding ring.  

Nagtawanan naman ang mga ka-batch nito. Si Bianca naman ay pa-cute na sumimangot.

Napansin niyang may sinabi ang mga grupo ng babaeng kaibigan ni Bianca kay Stacy.

"Gerard, paano ba yan?These ladies in front are going to bid Php 20,000.00 to make you sing tonight."

"Ayaw talaga nilang tumigil?" si Rainbow iyon na nag-iinit na.

"Nagbi-bid sila para kay Bianca. Pag nanalo sila sa bidding, Bianca and Ardy will spend the whole evening together." Si Tanya na namumula na sa inis.

"Ganun? Parang ite-table? Alam ba nilang nandito si Shayla?" inis na si Pinkie.

Napayuko na lang siya dahil pinipigilan niyang mag-react.

Narinig nila ulit si Stacy na nagsalita. Sinabi nito na nag-counter bid si Gerard ng Php 40,000.00 at nagdagdag pa daw ng Php 60,000.00 para mag-request ng kanta.  Naroon pa din si Gerard at Bianca sa stage. Nagtilian ang mga kaibigan ni Bianca sa crowd.

Love in a Rush (Completed/ Published in Dreame app)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon