♥3♥

18.3K 243 20
                                    

Bathroom Soiree

"Who are you? Why are you in my room?" magkasalubong ang kilay na tanong ng lalaki kay Shayla. Saka lamang niya napansin na binalutan na pala siya nito ng tuwalya.

Waah! Naked! Me? In his room? Yun na lamang ang tumatakbo sa utak niya.

"Your room?" Nasambit niya. Ang alam niya kasi ay si Percival ang may-ari ng bahay na'to. "Anong your room ang pinagsasabi mo diyan?" nagulat siya sa sarili niyang tapang.

"Miss, this is my room." He emphasized. Tila hindi nito pinansin na nagtataray siya. "Can you stand on your own?" tanong pa nito, at nakahawak sa kaniyang mga balikat.

"Get your hands off me!" Sinubukan niyang bumangon sa malamig na sahig, ngunit naramdaman niya ang sakit ng katawan at napangiwi.

Awtomatikong nakuha ng lalaki ang reaksyon niya at marahan siyang kinarga ng pa-bridal style. Ikinagulat naman niya iyon at di sinasadyang mapayapos at mapahilig sa may bandang leeg nito.

Napangiti siya. Juzko! Amoy alak siya, Lord, pero bakit ang bango bango pa rin niya? Parang puwede na akong sumiksik sa leeg niya poreber!

Napatingin sa kanya ang lalaki at napailing. "Tsk! Baliw pala ang isang 'to, e!" Komento nito habang umiiling.

Doon niya napagtantong nabigkas pala niya ang nasa isip niya.

Napahiya siya at agad na sumagot. "Ibaba mo ko, at lumabas ka dito!" Pataray niyang utos. Ginagaya niya kasi ang napanood niya sa tv.

Napatigil ito sa paglalakad at tila natawa.

"Ako?" tanong nito, bago siya marahang ibinaba.

Siya naman ay nagulat dahil hindi siya nito hinulog sa sahig o sinaktan. It was a new experience for her. It caught her unprepared.

"Malamang!" Sinubukan niyang magpanggap na matapang. "Tayo lang dalawa dito, diba?" pataray pa niyang tanong habang mahigpit ang hawak sa tuwalyang nakabalot sa kaniya.

"Ako talaga ang pinapaalis mo dito?" mapanukat na tingin ng lalaki sa kaniya.

"Oo!" Mapanukat din niyang balik ng tingin dito. Ngunit napansin niya ang kabuuan ng lalaki.

Sa isip niya, tila parang napapa-rap siya: Grabeeeee! Grabeee! Bato bato ang abs! 2-4-6-8! What's that below his waist? Break it down! Yo!

That's when she realized that he was seeing him in all his naked glory.

"Aah! Magtakip ka nga!" Napatili siya at nilagay ang dalawang kamay sa mga mata. "Exhibitionist!" Talikod pa niya.

Isang saglit lang ay muli itong nagsalita. "Harap na!" Narinig niyang inis nitong utos. "At magpaliwanag ka kung sino ka."

Dahan dahan ay humarap siya. Sinilip niya sa pagitan ng kaniyang mga daliri kung nakabihis na ito, at nakitang nakapulupot sa bewang nito ang isang kumot.

"Bakit naman ako magpapaliwanag sa'yo?" pataray niyang tanong, habang akap ang tuwalyang nakabalot sa kaniyang katawan.

"Miss Baliw, binibigyan kita ng pagkakataon magpaliwanag kung bakit narito ka, bago kita ipapulis." Mayabang nitong sagot, at akmang lalapit.

She automatically stepped back. She was frightened he would hurt her, so she raised one arm up to shield herself. She squinted her eyes, mentally preparing herself for the strike, but nothing happened.

She slowly opened her eyes and saw him just studying her, which unnerved her. Saglit na katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa. And it made her feel uncomfortable. In panic, she thought of a way to break the silence.

Love in a Rush (Completed/ Published in Dreame app)Where stories live. Discover now