Chapter Ten-B

114K 2K 132
                                    

CHAPTER TEN-B

 

            TAKOT at pangamba ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon. Nakakatakot ang daddy niya she never saw her this mad before, hindi siya makagalaw at pakiramdam niya ay nanginginig ang kanyang mga tuhod.

            “Mr. Ventura can we talk inside my son’s office?” boses iyon ni Madam Wanda. Speaking of, hinanap ng mga mata niya si Wade na tahimik lang na nakatayo sa tabi ng mama nito.

            “I want to talk to my daughter here.” Inutusan ni madam na umalis ang mga kasambahay sa sala dahil alam nilang lahat na hindi aalis ang daddy niya sa kinatatayuan nito. Her dad is too proud of his own. Linapitan siya nito pinilit itong pigilan ng mama niya her body is shaking at naiiyak na naman siya.

            “Dadd--.” Isang malakas na sampal ang tumama sa pisngi niya but none other than her father. Hindi siya kailan man nasaktan ng kanyang ama ngayon lang she wanted to run, she wanted to cry but she can’t dahil alam niya na kahit saan siya magpunta ay masusundan pa rin siya nito.

            “Sir, that’s too much.” Boses iyon ni Wade na nasa malapit lang sa kanya.

            “Huwag kang makialam dahil anak ko itong kaharap ko ngayon.” Galit na sigaw nit okay Wade.

            “Dad, tama na please.” Pakiusap niya. “Wala silang kasalanan dito.”

            “You!” duro nito sa kanya. “Hindi kita pinalaki para maging suwail na anak lahat ibinigay namin sa iyo tapos aalis ka ng hindi nagpapaalam? Ginamit mo pa ang kapatid mo paano kung bumalik ang trauma niya ng dahil sa iyo? INiwan mo ang kompanya alam mong ikaw lang ang pwedeng magpatakbo niyon but you and your selfishness will bring it down. Hanggang kailan mo ba iisipin ang sarili mo Kirra.”

            Gusto niyang sumagot, gusto niyang sagutin ito pero hindi sa harap ng maraming tao. Kahit na galit siya ay Malaki pa rin ang respeto nito sa kanya. Wala siyang nagawa kundi ang umiyak sa harap nito she felt her mom’s arms around her.

            “Tingnan mo ang nangyari dahil umalis ka nagpakasal si Kissa sa lalaking hindi niya mahal, kinuha niya ang responsibilidad na para sa iyo.”

Royale Series 8: Jailed Hearts (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon