Chapter Eight

94K 1.6K 74

CHAPTER EIGHT

 

WOW!” Napatakbo siya sa flower field, hindi siya makapaniwalang makikita pa niya in person ang magagandang halaman na nasa harap niya. It is like a dream come true she almost want to cry.

“Dahan-dahan lang baka madapa ka.”

“Naku, naku koya mayor ang ganda naman dito.” Parang batang hinarap niya ito. Sa kasamaang palad ay hindi nila naisama si Eunice dahil tumawag ang family ng daddy ni baby Eunice gusto daw nilang makita ang apo nila kaya sinamahan ni Madam Wanda at ni Merly ang bata. Ilang araw daw sila doon gusto sana niyang sumama kaso nauwi lang sa argumento… masyadong OA si koya mayor eh.

“Halika.” Hinawakan nito ang palad niya at hinila papunta sa mga taong nag-aani.

“Good morning mayor.” Bati ng mga tauhan nito.

“Good morning din, si Kirra nga pala.” Pakilala nito sa kanya.

“Ay, totoo pala ang balita mayor maganda po ang girlfriend niyo.” She blushed when she heard that comment at ang lalaking ito hindi man lang itinama at ngingiti-ngiti lang. Oh well, she like what she is hearing para kasing compliment iyon. “Bagay kayo.”

“Talaga? Bagay kami?”

“Ay, oo mayor bagay na bagay kayo. Papicture mayor.” Ang isa sa mga tao doon ay huminto pa sa ginagawa at kinuhanan sila ng picture. Yumakap sa kanya si Wade, back hug and then got their picture together. “Ehhehe tayong tatlo naman mayor.”

Kaya ang nangyari para silang naging instant celebrity, nagiging techie na ang lahat ng tao sa iba’t ibang panig ng mundo.

Natatawa siya habang naglalakad silang dalawa sa kung saan-saan lang, she is enjoying the company. Naisip niya tuloy kung hindi siya umalis baka hindi niya makikilala si Wade the koya mayor, hindi siguro siya makakaramdam ng ibang klaseng saya tulad ngayon. Para bang life seems so complete, she should be guilty dahil bigla nalang siyang umalis ng walang paalam tapos ginamit pa niya si Kissa.

Sana…

Sana hindi na matapos ang mga sandaling ito.

Maisip lang niyang umuwi sa dating buhay niya ay parang ayaw na niya gusto niyang manatili dito. Masaya siya dito eh.

“You can sing well and you can play your music well bakit hindi ka nagmusic?” biglang tanong nito. Nagulat siya sa narinig niya mula dito no one not even her twin sister asked those questions to her hindi niya inaasahan na sa lalaking ito magmumula ang tanong na iyon. “Bakit natigilan ka?”

Royale Series 8: Jailed Hearts (COMPLETED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!