Chapter 1

455 29 129
                                    


Chapter 1: Tricks.



---

Location: North Luzon EXpressway (NLEX). 500 meters to bulacan toll gate.
Date: August 03, 2017/Thursday
Time: 00:45

Walang tigil na tunog ng wang-wang galing sa mga ambulansya na sinasabayan ng palitang pagkislap ng kulay pula at asul na ilaw mula rito na s'ya namang nagbibigay liwanag sa madilim na highway.

Ilang sasakyan ng mga nagpapatrolyang police para tutukan ang aksidente.

Crime scene photographer.

Yellow tape na nakapalibot sa lugar ng pinangyarihan. Senyales na restricted ang area.

Mga naabalang biyahero.

Mga basag na salamin galing sa isang ten wheeler truck. Nagkalat ito sa kalsada kasama ng halos madurog na 2017 mitsubishi montero sport gawa ng matinding pagkakabangga ng truck dito.

Nagtalsikang mga gamit na bumalandra sa daan.

Bakas ng mga grasa at dugo.

Kahindik-hindik na kaganapan. Siguradong headlines 'to sa unang hirit mamaya.

"Kuya what's with that noise?" nagtatakang sagot ng nakababatang kapatid ni Aki matapos itong maalimpungatan. Lumingon ito sa tinted wind sheild para sipatin ang pinanggalingan ng ingay. Nakaupo ang bata sa likod ng driver' seat.

"Matulog ka na ulit. 'Wag kang tumingin d'yan," saway ni Aki kay Ransey. His younger sister. Dalawa lang silang magkapatid.

"Okay," si Ransey sabay balik sa pagkahiga yakap ang paborito n'yang stuff toy. Si Dee-dee 'yong ipis sa Ogie and the cockroaches.

Nagpatuloy sa pagmamaneho si Aki hanggang malampasan nila ang crime scene.

Nang makaramdam siya ng antok ay binuksan niya ang radio para makinig ng dear M.O.R.

Habang nakikinig sa mga payo ni Dj Chuchu ay pilit niyang nilalaban ang antok. Mahirap na dahil baka magaya pa sila sa aksidente kanina.

Sa kaniyang pakikinig ay hindi n'ya namalayang nakaidlip na pala siya. Gumewang pakanan sa hindi simentadong daan ang kaniyang sasakyan dahilan para bumalik siya sa ulirat.

Kaya lamang ay bago pa makamane-obra si Aki ay bumangga na siya sa gutter.

"No!!!" sigaw ng binatilyo.

"Kuya what's with that noise?"

Biglang nagising ang diwa ni Aki.

"Huh?" napalingon s'ya sa nakababatang kapatid na pupungas-pungas pa habang yakap ang favorite stuff toy nito.

Pagkatapos ay muling bumaling ang binatilyo sa harapan. Nasa pinangyarihan sila ng aksidente. Na naman.

"Matulog ka na ulit. 'Wag kang tumingin d'yan," nagulat si Aki sa sinagot nya sa nakababatang kapatid. "Dejavu?" anas ng isipan nya.

"Okay," sagot ni Ransey bago bumalik sa pagtulog.

Nagpatuloy naman si Aki sa pagdadrive hanggang malampasan ang pinangyarihan ng aksidente.

Sa pagkakataong iyon ay hindi na siya dinalaw ng antok dahil sa nangyari. Nagkaroon ata siya ng premonition.

"'Wag naman sana," bulong ni Aki sa sarili saka hinawakan ang rosaryo na nakasabit sa ibaba ng harapang salamin ng sasakyan.

Ilang metro na ang layo nila sa aksidente ng makaramdam na naman s'ya ng antok. Hindi kasi maiwasan lalo na't madaling araw at wala s'yang kausap.

Binuksan n'ya ang radio. Dear M.O.R

MEGALOMANIA [Unedited.Completed]Where stories live. Discover now