“Isuot mo na ang heels”
Nakita ko ang heels na nasa tapat niya at isinuot ko. Marunong ako maglakad kapag nakaheels ako
kaya wala itong problema sa akin. Tumayo ako at tumingin ang mama sa akin. Yinakap niya ang
mukha ko “Ang ganda mo anak”
“Ma, alam ko naman. Joke lang! Salamat po”
“Mag-iingat ka ha?” sabi niya habang binigay niya ang maliit na bag sa akin. Lumabas ako ng bahay at
nakita ko si Paulo na nakasuot ng black suit. Nakasandal siya sa magarang na sasakyan. Ngumiti siya
sa akin at tumayo ng mabuti. Huminto ako sa harapan niya.
“Ang ganda ng kapatid ko ngayon”
Kumunot yung noo ko “Anong kapatid?”
“Wala, kalimutan mo na yon” binuksan niya ang sasakyan. Ngumiti ako sa kanya at pumasok na ng
sasakyan. Pumasok siya ng sasakyan at sinimulan na niyang magdrive. Habang papunta kami sa party
ay tinanong ko siya “Paano mo nalaman kung saan ako nakatira?”
“Tinanong ko ang kapatid mo”
Tumango ako “Bakit mo hindi nasabi sa akin na birthday pala ni Alexa ang pupuntahan natin”
“Nakalimutan kong sabihin sayo kasi naiirit na kasi si Xavier”
Nakarating kami sa party. Sa resort pinagdiwang ang birthday party ni Alexa. Napakaganda ng resort at
ang dami ng tao. Maraming mga senior students dito sa galing school namin. Noong dumating kami,
sinabihan ako ni Paulo na ilagay ko yung kamay ko sa braso niya. Ginawa ko ang sinabi niya. Habang
naglalakad kami patungo sa resort, maraming tao ang tumingin sa amin. Mga senior students ang
nakatingin sa amin. Kinakabahan ako kasi tinititigan kami nilang lahat
“Huwag mo lang sila paki-alamin” bulong ni Paulo sa akin
Lumapit si Alexa sa amin kasama si Kevin. Si Alexa ay nakasuot na high-low black dress. Ang buhok
niya ang nakabraid din. Si Kevin, napakagwapo sa black suit niya! Ngumiti silang dalawa sa amin
“Ang ganda naman nang ka-date mo kuya Paulo” sabi ni Kevin
Anong sabi ni Kevin? Maganda ako? Kakahiya naman. Maganda ba talaga ako ngayon?
“Hindi ka nagsabi na si Janica mo ang ka-date mo” sabay ngiti ni Alexa
Anong date na sinasabi nila? Hindi ko sila maiintindihan. Akala ko birthday ang pinunta namin dito
BINABASA MO ANG
My First and Last (JaDine) COMPLETE
FanfictionSi Janica Chai Marquez ay isang simpleng babae na may pagkatangahan. Meron siyang crush na sina Jefferson Torres, ang kababata niya, si Kevin Andre Tan, isang miyembro ng Dance Troupe at si Xavier Kristian Carter, ang seatmate niya. Naging kaibigan...
Chapter 6
Magsimula sa umpisa