“OMG!! Gym tayo, guys! Nandun ang Darker!” tili sa akin nung first year. Ha? Anong ginagawa dun ng Darker? Di ba bawal sila dun kasi nasa North High na yun?

Ayy, bahala na basta pupunta na ako dun. “Tara gym, Erica.” sabi ko at hinila sya dun.

“Akala ko ba caf tayo?” iritadong tanong nya kaya tiningnan ko sya ng masama. Anong inaarte nito? Parang hindi na nasanay sa akin.

“Duh, Darker yun, Erica. As in, Duke my loves. Let’s go!!” nakangising sabi ko sa kanya at mas lalo pang binilisan ang paglalakad. Narinig ko na ang ingay ng mga tao. Ano kayang meron?

Sa sobrang daming tao ay di na ko nakasiksik kaya umakyat ako sa taas nung gym na parang terrace sa loob para makita ko kung anong nangyayari. Talagang pinaalis ko pa yung mga estudyante dun para makita ko lang.

“Anong meron at parang halos lahat nakawala sa koral kung makasigaw?” seryosong tanong ni Erica dun sa isang student. Sya lang ata ang naiirita dito.

“May isang student sa NorthU ang magpo-propose sa isang student dito sa North High para maging girlfriend nya tapos pinakiusapan nya ang Darker para lang haranahin yung nililigawan nya.” kinikilig na sabi nung babae at nagsisigaw pa.

Mukhang mas kinikilig pa ang mga tao sa Darker kesa dun sa nagliligawan. Pati ako tuloy napapa-cheer na din sa kilig. Ang gwapo ni Duke my loves!

“Quiet, people. Please.” sabi ni Kuya Aeron sa mga tao at ang lahat naman ay parang tuta na sumunod kaya tahimik na tahimik ang paligid. Parang may misa tuloy.

Gusto ko sanang sumigaw ng ‘boo’ sa kuya ko kaso nakakahiya, saka nagmo-moment yung nagliligawan eh.

“Hoy, best friend. Kahit crush na crush mo ang Darker. Kahit mas gusto mo pa silang kumakanta kesa sa akin. Kahit mas maraming pa ang pictures nila sa phone mo. Kahit sa date natin sila ang dinadaldal mo sa akin. Kahit na.. basta sa akin ka lang pati yung puso mo.”

Napa-‘aww’ ang lahat. OMG! OMG! Kung ako lang din ang sasabihan nun ni Duke, malamang mamamatay na ako sa kilig. Nagsimula na silang tumugtog at nagka-ingay na naman ang mga tao pero agad na sumensyas si Duke na tumahimik plus kindat pa kaya natahimik ulit ang mga tao dahil nahimatay sa kindat nya. Joke!

[The Way You Look At Me - Christian Bautista(media)]

 

“No one ever saw me like you do
All the things that I could add up too
I never knew just what a smile was worth
But your eyes say everything
Without a single word”

 

Halos mapigil ko ang paghinga ko dahil sa sobrang ganda ng boses nya. Parang punong-puno ng emosyon yung pagkanta nya at talagang mapapabilis nito ang tibok ng puso ng kahit na sino.

Nawala na ang atensyon ng lahat dun sa babae at lalake dahil lahat nakikinig sa pagkanta nya. Konti nalang talaga maniniwala na ako na brokenhearted si Duke. Di ko talaga to matanggap. Hay.

The Chase and YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon