“Sana hindi.” How she wish na hindi dahil nakakatakot ang pagiging manipulative nito. “Si, Kissa and si Pierce?”

            “They are married now nagpunta sila sa states for the marriage.” Balita nito sa kanya. Bigla siyang nakonsensya sa nagawa niya sa kapatid niya, she is too selfish. “And it looks like may feelings si Kissa kay Pierce.”

            “Really?” matamlay na sagot niya.

            “Pupunta nga sila mamaya engagement ni Gypsy at sinabi nila na you are on leave kaya pinapahanap ka na ng mga magulang mo.”

            Mas lalong lumakas ang kaba niya. “Hala, paano iyan? Hindi pa ako ready na umuwi diyan.”

            “Don’t worry I have you covered.”

            “Salamat Weena hindi ko alam ang gagawin ko kung hindi dahil sa iyo.”

            “Malakas ka sa akin eh, sige na nandito na ang parents mo.” She turned off her phone and took a glance on herself. Maybe she should enjoy the remaining days here, ngayong kasal na si Kissa wala na siyang magiging problema kay Pierce. Ang problema nalang niya ay kung paano papakiusapan si Wade na hayaan na siyang umuwi.

            “Kirra hinihintay ka na ng driver ni Mayor.” Katok ni Merly. This is what she wants ang hindi sila sabay ni Wade dahil mapupurnada ang plano niya ngayong gabi.

            “Nandiyan na.”

            Binuksan niya ang pinto at nanlaki ang mga mata nito ng makita siya, the usual Merly reaction. She snapped her fingers kumurap lang ito.

            “Nyoooorrraaa Wanda may trespasser po sa kwarto ni Kirra.” Sigaw nito kasabay ang paglapit ng mga tao sa buong bahay.

            “Merly ano ba ako ito si Kirra.” She chuckle nakakatawa kasi ang reaksyon nito.

            “Kirra hija?”

            “Madam, okay lang po ba ang suot ko?” aniya sa mama ni Wade.

            “You are stunning hija, my son will have hard time keeping you away from other guys I would love to see that sayang at hindi ako makakapunta.”

Royale Series 8: Jailed Hearts (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon