01

11.1K 115 6
                                    

"May gusto kay Andrew 'yung taga Grade 9, ah."


Bungad ni Cian sa 'kin pagkatapos kong bumili ng iced coffee. Nakatambay kaming dalawa sa food court dahil wala pa naman 'yung teacher namin sa first subject. Kung dumating man, sinabihan na namin si Marc na sabihing inutusan kami saglit kahit hindi naman totoo.


"Tapos? Anong gagawin ko?" Walang gana akong umupo. Wala kasi akong tulog kagabi dahil naghabol ako ng requirements kaya wala na naman ako sa mood.


"'Edi asarin mo!" Tumawa siya. "Hindi ba't mahilig ka namang mang-asar ng kung sino-sino kahit hindi mo naman close,"


Bahagyang nagsalubong ang kilay ko. "Kaya sumasagap ka ng balita para sa 'kin?"


Iniiwasan ko na ngang gawin 'yon. Doon kasi sa huli kong inasar sa crush niyang kaklase ko, sa 'kin na nagkagusto. Nakikipagbiruan lang naman, ah.


Napabuntong-hininga ako. Ngayon ko lang napagtanto na ilang linggo na pala ang lumipas noong huli akong nakahanap ng aasarin. Hindi naman sila nagagalit. Tsk! Kilig na kilig pa sila tuwing inaasar ko. Ang hirap talagang maging gwapo.


"Bagay sila, 'pre."


"Tch. Sino ba do'n?" Sumipsip ako sa kape.


"'Yung matangkad," tumingin siya sa kawalan para mag-isip ng iba pang description. "Ah, alam ko na! Kilala mo 'yon,"


Tumaas ang kilay ko. "Sino?"


"'Yung kapatid ni Macy! 'Yung sinasabi nilang may pangit na ugali nung 1st year sila,"


Kumunot lalo ang noo ko para alalahanin at bahagya pang tumagilid ang ulo nang unti-unting rumehistro sa utak ko 'yung taong tinutukoy niya.


"Si Michaela?"


"'Yun!" Tuwa siyang napaturo sa 'kin.


"Ayoko nga! Ang sungit ng mukha no'n tuwing nakikita ko sa hallway!" Agap ko agad.


Wala yatang susubok lumapit sa taong 'yon. Parang mamamatay ka kapag kinausap mo. Unang araw pa lang nila sa curriculum namin no'n, 'yun na agad na balita ang kumalat sa section namin. Puro nga away ang usapan tungkol sa kanya.


Bumalik na agad kami sa room nang makita namin ang oras. Muntik ko pang masapak 'tong si Cian dahil kamuntikan niya na akong itulak nung makasalubong namin 'yung section ni Michaela.


"Putangina mo, sasapakin kita mamaya," bulong ko sa kanya.


"Major niyo pagkatapos ng PE nila, 'di ba? Asarin mo na kay Andrew para magka-jowa na 'yon," tumatawa niyang sabi.


Nangingiti ko siyang tinignan. "Paano mo nalaman? May tipo ka siguro do'n, Ancheta,"


"Hoy, wala ah!"

Dawn of Love 1: Solace of the AceWhere stories live. Discover now