PROLOGUE

45K 175 12
                                    

"You're really serious about going there?"


I just opened the car's door when Nate, one of my friends, asked that question which made me lean on the seat again after closing the door. Marahas akong napapikit. Ilang beses na ba nilang tinanong 'yan simula nang sabihin ko ang plano ko?


"Gusto mo bang mamatay ngayon?" I darted him a death glare.


"Ilang taon ko nang pinagtitiisan 'yang ugali mong ganyan, Samonte. Tingin mo matatakot pa 'ko sa mga banat mong 'yan?"


I rolled my eyes and left him there. The trip our squad had should've ended in a happy note, kung hindi ko lang sana in-open iyon na nagpasira sa mood nilang lahat. Ayoko rin namang ilihim sa kanila. Besides, iyon naman ang isa sa mga rason kung bakit umuwi ako ng probinsya.


At some point, I regretted thinking about that. Masaya na 'yung buhay ko sa Manila, malayo sa mga ala-ala ko rito. Halos lahat rin ng mga kaibigan ko, doon na nagta-trabaho. Umuwi lang rin sila nang sabihin kong humingi ako ng leave sa kompanyang pinagta-trabahuan ko.


Mabuti na nga lang at nakahanap ako ng magandang kumpanya kaya unti-unti ko nang naii-ahon sa hirap 'yung pamilya ko. Wala naman kasing kwenta 'yung Ate ko, walang ibang ginawa kundi uminom at gumastos sa kung ano-anong bagay. May napag-aralan naman siya at maganda ang trabaho pero walang utang na loob.


The previous years I had was tough, lalo na noong pumasok ako ng kolehiyo. It was hard not because of the subject dahil matalino naman ako... but because I started realizing that things were bigger than what I've imagined.


There were so many regrets, so many thoughts, so many sleepless nights. I tried to cope with it by trying different things that I thought could make me happy but they can't.


I sighed.


"What if"


I hate those two words the most. I hate it so much. It's making me go crazy.



"What are you doing here?" Bungad ko pagbukas ng pinto nang may kumatok at naroon si Zela. Wala kasi sila Mama dahil nag-grocery kaya ako lang ang nandito ngayon.


"Did I heard the news right?" She sarcastically asked.


"Akala ko ba busy ka kaya hindi ka sumama sa 'min?" Tumaas ang kilay ko. "Pinuntahan mo 'ko dito para lang itanong 'yan? Maglinis ka ng tenga mo para sigurado ka kung tama 'yung mga naririnig mo."


I was about to shut the door when she forcefully opened it para makapasok siya. Dumiretso siya kaagad sa sala. Umupo siya doon habang nakakrus ang mga braso at nakatingin sa 'kin.


"You're kidding me, Samonte."


Kumuha ako ng tubig sa kusina at nilapag iyon sa lamesang nasa harapan niya saka ako umupo.


"Tell me you're joking, come on!"


I hissed. "You wish. Hayaan niyo na lang ako sa gusto kong gawin. Ngayon lang naman,"

Dawn of Love 1: Solace of the AceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon