XXI- Venia vs Casmoth

233 10 3
                                    

VS

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

VS

Joan's POV

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Joan's POV

Nagulat ako nang biglang may umakbay sa akin. Kasalukuyan akong naglalakad sa tinatawag nilang Rashida's court. Ito ang sentro ng paaralan na ito. Pupunta kasi ako sa Rashida building para makapagpalista ng aking pangalan. Kailangan ko raw kasi magpa- register. At doon 'yon ginagawa sa Rashida building. Pagtingin ko sa umakbay sa akin nakita ko so Aelya o Anya. Ano man ang pangalan niya naguguluhan din ako kung ano ba ang itatawag sa kanya.

"Oh ikaw pala An... Ano... Ano ba?" nalilitong sambit ko sa kanya.

"Aelya ang itawag mo sa kanya," sabi ng lalaki na kasama niya. Siya si Eirion kung hindi ako nagkakamali. Tinulungan niya kami noon. Hindi ko siya namukhaan kasi nagpagupit yata siya ng buhok mas umaliwalas ang hitsura niya ngayon sa clean cut niyang gupit. Guwapo naman pa rin siya noong unang kita ko sa kanya. Tuwid na itim na buhok at nakapusod yata siya noon. Mas kita mo ang ganda ng kulay ng mata niya na mala tsokolate sa gupit niya ngayon.

"Heto naman si Eirion. Ang K.J. mo rin e. Pangungunahan pa ako at papahiyain pa ako sa harap ng kaibigan ko," sabi ni Aelya.

Ngumiti ako sa kanila. "Ay siya nga pala, kamusta na 'yung friend mo?" Tanong ni Aelya sa akin, si Keith ang tinutukoy niya.

"Ayos na siya. Malakas pa 'yon sa kabayo kaya 'wag mo na alalahanin 'yon," sabi ko ng nakangiti sa kanila.

Napansin ko naman si Eirion na sumama Ang tingin sa akin at mukhang nakakahawang sakit ang tingin sa akin. Kaya iniwas ko ang tingin ko sa kanya at bumaling ang mata Kay Aelya at ngumiti.

"Mabuti naman. Ay gusto mong sumama sa amin?"

"Huh? Saan naman?"

"Aelya, huwag ngang kung sino- sino ang iniimbita mo. Hindi naman kailangan mag- imbita pa e," masungit na tugon ni Eirion.

"Ito naman, mas maganda kung madami kaya tayong aakyat ng bundok," sabi ni Aelya.

"Mga piling mag- aaral lang ang pinapayagan na pumunta sa Hokkham," sagot ni Eirion.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 24, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Song of Dagger (To Be Publish Soon Under Le Sorelle Publishing)Where stories live. Discover now