IX- Some Cold Past 2

186 12 1
                                    

ILANG linggo pa ang nagdaan, hindi na ulit si Joan ang nag- asikaso sa lalaking mayabang. Ang binilinan niya na na mag- asikaso rito ay si Cleothilde. Siya ang tapat nitong tagasunod at isang kaibigan din. Nabanggit naman ni Cleo na Keith ang pangalan ng lalaking dinala niya sa kanilang kampo. Cleo, ang tawag ni Joan dito.

Nakita naman niya na unti- unting bumabalik ang lakas ng lalaki. Dahil nakakapaglakad na ito at lumalanghap ng sariwang hangin. Nang minsan na nakita niya ito. Lumabas ito ng kanyang kubo na walang pang- itaas at wala na ring benda ang tiyan nito. Ngunit kita mo na nagmarka ang sugat nito mas malalim ang sa may tagiliran sa kaliwa.

"Sus! May sugat naman. Kala mo kagandahan ang katawan," sinabi ni Joan sa kanyang sarili at nagpatuloy sa ginagawa niyang paghasa ng kanyang sandata.

May mga dalaga na rin na binabati ang lalaking kinaiinisan niya na dapat ay umalis na at sapat na 'yong isang linggong paglalagi niya sa kanilang kampo para magpagaling. Ito lamang paulit- ulit na umiikot sa isipan ni Joan habang naghahasa ito ng kanyang sandata. Dinig na rinig niya ang mga tilian ng mga binibini sa kanilang kampo.

"Hoy!" panggulat ni Cleothilde sa amo at kaibigan na rin.

"Ay palaka! Aray!" nagulat ang dalaga sabay daing dahil nahiwa ito ng sandatang hinahasa niya.

"Aray ko! Ano ba Cleo?" reklamong tanong ni Joan.

"Nako paumanhin! Amina bendahan natin para hindi mag dugo lalo."

"Huwag na Cleo. Kaya ko na ito."

"Hindi amina kamay mo. May dala akong pamahid para mawala ang sugat mo," sabi ni Cleothilde.

"Ano? Sa'n mo naman nakuha 'yon?"

Ngumiting nakaloloko si Cleo. "Galing sa manliligaw ko. Taga Moonvale siya at isang Wizard." Sabay namula si Cleothilde at humagikgik ng mahinhin.

Ang Moonvale ay isang bansa sa Meira na malaya kang makagagamit ng mahika. Ito ang sentro ng mga mahika ng Meira. Dito mo rin makikita ang mga makabagong potion, elixir at kung anu- ano pang mga kabilang sa magick. Dito rin nakatira ang mga Wizard, Witches at Mages. Nandito rin nakatira ang mga magagaling na guro pag dating sa mahika.

"Nako ikaw! Pumunta ka pa sa Moonvale e ang layo n'yon!" bulyaw ni Joan.

"Hay nako s'yempre hindi ako ang bibiyahe do'n siya ang bibiyahe dapat dito para masilayan ang ganda ko."

Pumapalakpak ang tainga ni Cleothilde at mistulang lumilipad sa langit ang kanyang puso habang kausap si Joan. Sa totoo lang gusto nang patulan ni Joan ang wala sa hustong pag- iisip ngayon na si Cleo. Nilamon na siya ng kanyang pag-ibig.

"Umayos ka nga!" masungit na sigaw ni Joan kay Cleo.

"Alam mo ikaw... Hindi mo alam ang salitang PAG- IBIG. Kaya walang nagtatyagang manligaw sa 'yo lahat kasi binabasted mo!"

"Ah gano'n? E kung kalbuhin kaya kita? Ano, gusto mo?" sabay pinaglaruan ni Joan ang hawak niyang punyal sa kanyang kamay at ipina ikot-ikot ito.

Nalaglag ang panga ni Cleo at natulalang nakatingin sa umiikot- ikot pa rin na sandata sa kamay ni Joan sa kaliwa. Ang kanan na hintuturo nito ang nasugatan.

"Ay e... Sabi ko nga... Ano... Oo nga pala 'yong pamahid na gamot!" sabay pagbabago ng usapan ni Cleo. At natatarantang hinanap ang sinasabi niyang gamot na hindi niya na malaman kung saan niya isinilid at kinakapkap ang buong katawan niya. Medyo mga dalawang minuto ito bago niya makita na nakalagay lang pala sa bulsa ng kanyang bistida.

Nginitian ni Cleo ng mapakla ang kanina pang urat na urat ng si Joan. Hindi na maipinta ang mukha nito at nakahalukipkip.

"He, he, he. Akina ang kamay mo kamahalan."

Song of Dagger (To Be Publish Soon Under Le Sorelle Publishing)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin