VII- Training with the Beast

230 15 0
                                    

HABANG nasa hapag kainan kami nina Rease, Lachlan at Yesha. Hindi ko maiwasang humikab. 'Yong nangyari sa akin kagabi parang totoo lahat. Sinarado ko naman ang isipan ko para hindi nila ito mapasok. Mahirap na... Pero nagtataka rin ako sa mga nangyayari sa akin itong mga nakaraang araw.

"Joan, bilisan na natin kumain dahil meron pa tayong training," paalala ni Yesha.

"Hindi ka yata nagpalit anyo, Yesha," tanong ko sa kanya.

"Mali- late na kasi tayo," sagot niya sa akin.

"Ah," tipid kong sagot.

Napatingin naman ako sa kabilang lamesa kung nasaan ang grupo nila Magnus. Nang magtama ang mga mata namin, kinindatan niya ako.

Umiwas naman ako ng tingin. Hindi ko alam kung bakit?

"Ba't ka namumula, Joan?" tanong ni Yesha sa akin.

Napukaw naman agad ang diwa ko sa pagpuna ni Yesha sa akin.

"Oo nga ano? Namumula ka." Si Rease naman ang nagsalita.

"Nako ano kasi... mainit. Tama mainit. Hoo! Ang init!" pagdadahilan ko, at ginamit kong pamaypay ang aking kamay.

"Gaga! Ano'ng mainit? Taglagas na sa Meira at parehas ang season dito sa Meira! Kaya ba't mainit?" Ang walang prenong bibig ni Rease ang tumambad sa akin. Palpak ang dahilan ko. Wala na kasi akong maisip na idadahilan ko. Dahil nahiya ako kay Magnus. Hindi naman talaga mainit ang lugar. Tama lang sa pakiramdam dito.

Nagbabang tingin nalang ako sa kanila.

"Oh my! 30 minutes nalang! Tara na bilis!" Anunsyo ni Yesha.

Nagmadali kami at sumakay kami sa isang kariton na pinpagalaw ng isang nilalang na parang multo. Kung hindi ako nagkakamali sila ang nilalang na tawag ay 'Mia' hindi sila mga multo gano'n talaga ang hitsura nila. Nagmamaneho siya ng isang sasakyan na puwede kaming sumakay rito.

"Dragon Taming Class," sambit ni Lachlan sa driver.

Mabilis na ipinatakbo ng Mia ang sasakyan. Matinding napakapit ako kay Yesha sa kanyang braso sa sobrang bilis ng sasakyan.

Hiyaw ako nang hiyaw! Halos bumaliktad ang sikmura ko. Lalabas na yata ang kinain ko.

Pero sa tatlo. Parang wala lang ang lahat. Pinagtatawanan pa nila ako. Mabilis na lumiko ito at nilalabanan ko ang bilis nito dahil pag hindi ko ginawa ito baka tumilapon ako. May mga dinaana pa ito na matatarik na daan ngunit napakabilis pa rin nito. Bumabaliktad na talaga sikmura ko.

Ilang minuto lang nandoon na kami sa destinasyon namin. Ang bilis pa naman ng pagpapatakbo mo. Makakarating ka kaagad. Ang kaso lang, halos matumba ako sa hilo sanhi ng sasakyan na 'yon na hindi maintindihan.

"Nag- enjoy ka bang sumakay sa Meira ikot?" tanong ni Lachlan sa akin.

Mukha ba akong nag- enjoy? Halos hindi ko na nga mabuka ang bibig ko e. Si Lachlan hindi mo malaman kung nasaan ang utak e.

Siniko naman siya ni Rease sa kanyang tagiliran at sobrang bilis no'n ininda ito ni Lachlan.

"Aruy!" hawak niya sa kanyang tagiliran.

"Sa tingin mo nag- enjoy siya? Namumutla nga siya e!" halos kainin ni Rease si Lachlan sa pagbubunganga ni Rease sa kanya. At nagpatuloy pa ito habang naglalakad kami patungo sa klase.

"Rease ayos... na..."

"Hindi! Heto kasi... Ikaw... Hay bla, bla, bla, bla... Akala ko matalino ka... bla, bla, bla..."

Song of Dagger (To Be Publish Soon Under Le Sorelle Publishing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon