XI- The Lost Princess

184 11 0
                                    

Back to Safe Haven, Meira Institution

UMILAW ang kuwintas ko kung nasaan nakatago si Peridot ang aking guardian dragon and companion. Napangiti ako kasi pakiramdam ligtas ako. Pero napaisip ako sa sinabi niya sa akin.

"Joan, ngayon nagkasama na tayo muli, ipangako mo hindi mo na ako iiwan. Ikaw ay ako at ako ay ikaw..."

Nadinig ko si Peridot na kinausap niya ako sa isipan ko.

Nagulat naman ako nang may humawak sa balikat ko. Nakangiti siya sa akin pagnakikita ko siya. Napalingon ako sa tao.

"Sorry nagulat yata kita."

"Hindi ayos lang ako."

"So, how do you find the new world of Meira, are you getting use to it?" tanong niya.

Tumango lang ako. At tinanong ko siya. "May mga panaginip ako na hindi ko maintindihan. Hindi siya malinaw. May alam ka ba dito, Magnus?"

"Hey! Musta Lachlan!"

"Ano ba 'yan parang wala akong kausap." Bulong ko sa sarili ko.

Dumating sina Lachlan at Rease. Nasa dinning hall kasi kami ngayon, at halos lahat ng tao ay kumakain ng tanghalian.

Napansin ko naman si Keith na mag- isa lang. Gusto ko siyang lapitan para tanungin tungkol sa mga panaginip ko kung may alam siya. Ilang beses na kasi na bawat paggising ko siya ang nakikita ko. Ilang beses ko na rin siya pinaghihinalaan na siya ang taong naka kapang itim sa panaginip ko.

Nang pupuntahan ko na sana siya. Tumabi sa kanya si Reeda.

Napabuntong- hininga nalang ako dahil ayaw ko naman sirain ang kung ano man ang namamagitan sa kanila. Ayaw ko ako ang maging dahilan ng hindi nila pagkakaunawaan.

"Hoy Joan! Hoy!" tawag sa akin ni Yesha. "Tulala ka nanaman diyan."

"Halika na, punta na tayo sa History Class natin." Si Reese ang nagsalita.

Sumabay na ako sa kanila. "Tara na sabay na tayo." Saad ni Magnus at hinawakan ang kamay ko. Hindi ko na tinanggal ang pagkakahawak niya sa akin. Nakagagaan naman kasi ang paghawak sa akin ni Magnus. Pakiramdam ko ay ligtas ako.

Nang makarating kami sa klase. Nakita kami ni Keith na magkahawak ni Magnus at napansin ko sumimangot siya. O namalik- mata lang ako na gagawin niya 'yon. Sino ba ako sa kanya? Pero bakit parang pakiramdam ko, may nagagawa akong kasalanan?

Umupo na ako malayo sa kanila. At napatingin naman ako sa katabi kong lalaki na nakaupong kumportableng - kumportable at nakalagay pa ang dalawang kamay niya sa likod ng kanyamg ulo at nakapatong sa lamesa ang dalawang paa niya.

Napabulong naman ako kay Magnus. "Sino siya?"

"Si Cobalt 'yan."

Mukha yata siyang natutulog. Puyat yata siya. Gusto kong gisingin siya kasi nakaiiritang may katabi na ayaw umayos ng upo.

"Cobalt, pre. Baka gusto mo umayos ng upo? Darating na si Teacher Logan," sita ni Magnus sa tinawag niyang si Cobalt.

Sumunod naman siya pero hindi na pinansin si Magnus. At nanatiling tahimik. Napatingin siya sa akin at gan'on din ako sa kanya.

Kumurba ang mga labi niya ng bahagya. Dumating na ang guro namin kaya naman bumaling na kaming lahat ng tingin kay Teacher Logan.

"Magandang umaga. Ngayon pag- aaralan natin ang tungkol sa mga Night Elf."

Umugong ang nga bulungan nang sabihin ito ni Teacher Logan. Pati ang reaksyon ng mga mukha ng studyante ay mga hindi maipinta. Akala mo isang sakit ang salitang Night Elf. Oo masasama sila at sabi nga ni Keith na isa ako sa kanila. Isang malaking palaisipan pa rin kung paano ako naging isang Night Elf? Kailangan kong tumutok sa araling ito baka sakaling magkaroon ako ng sagot sa malaking tanong ko sa buong pagkatao ko.

Song of Dagger (To Be Publish Soon Under Le Sorelle Publishing)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz