V- Guild War 1.2

246 18 5
                                    

NANG lumakad ako at humalo sa mga tao para hindi ako makita ng mga ungas na 'yon. Nagulat ako ng mayroong humawag sa aking braso nanaman.

"Sandali lang!"

Masungit akong lumingon sa humawak ng braso ko.

Nakangiti siyang tumingin sa akin. Ang hindi ko maiwasang mapansin ang kanyang dimples. Nagulat ako nang hinigit niya ako papunta sa kanya at napakapit sa kanyang matikas na dibdib.

Mabilis akong kumalas at tiningnan ko siya ng masama.

"Ano bang kailangan mo? Ba't ba ang kulit mo?" pagtataas ko ng boses.

"Gusto ka namin sa team namin. Puwede ko bang malaman ang pangalan mo?" Tanong ng lalaki na nagpakilalang Magnus Blaise.

Napabuntong- hininga ako. "Ang kulit mo rin 'no?"

Ngumisi nanaman siya at pinakita nanaman niya sa akin ang dalawang malalalim niyang dimples. "Tinatanong ko kung ano ang pangalan mo?"

Inirapan ko siya at humalukipkip. "Joan Fernmoon."

"Nice to meet you." Inilahad niya ang kanyang kamay.

Tiningnan ko lang ito at sinungitan siya muli.

"Maganda ka kapag nagsusungit, Joan."

"Tse!"

Hindi na natuloy ang pang- aasar ni Magnus dahil narinig nanaman namin ang hudyat na nag- uumpisa na ang guild war.

Ang kalaban namin ang Guild Raziel ang Wind Runes Dragon Bearers. Heto lang ang tawag sa kanila pero may mga kaya rin silang pagalawin na mga ibang runes. Doon lang siguro sila napunta mula noong nawasak ang Meira. Hindi ko alam kung ano ang gagawin namin sa totoo lang. Ang alam ko lang kailangan namin mag- team up at susugurin namin ang base ng kalaban at babasagin ang talisman nila.

"Sasali ka na sa amin."

"Hindi ako sasali sa inyo."

Kinuha niya ang braso ko at may itinaling pulang goma dito. Nang subukan kong tanggalin hindi ko ito matanggal.

"You're mine," sabi ni Magnus sa akin at malapit ang kanyang mukha nang sinabi niya ito.

"Tanggalin mo 'to!"

"Ayaw ko nga. Tara na!"

Kinuha niya ang aking kamay at dinala sa grupo nila. Naiisnis kong tinititigan si Magnus habang nagbibigay siya ng mga alintuntunin sa amin. Nasa may harapan niya lang ako. Nakabusangot ang aking mukha habang tinitingnan ko siya.

"Lahat ng may pulang bond sa kanilang braso. Kayo ang team Magnus. Tayo ang susugod sa left side ng forest hanggang sa makita natin ang tore ng Raziel at basagin ang kanilang talisman."

Naghiyawan ang mga kasama namin sa team. Hindi ko talaga maintindihan ang ginagawa namin. Para kasing balik nanaman ako sa dati na nakikipaglaban para sa kapayapaan ng aming tribo noong nasa mundo pa ako ng Meira. Naghanda na rin ang iba.

Nag- umpisa na kaming sumugod. Ang mga iba kong kasama ay may mga ginawang ulap na sasakyan. Ang iba naman ay ginamit ang kanilang liksi para tumalon- talon sa mga sanga ng puno.

Ginamit ko rin ang liksi ko at nagsimula na rin ako sumunod sa kanila. Na nagtatalunan na sa mga itaas ng puno.

Nang papatalon na ako sa kabilang sanga sumabit ang kanang paa ko. Nawalan ako ng balanse at nahulog.

Sumigaw ako ng malakas. Inasahan ko na mahuhulog ako sa matigas na lupa, ngunit malambot ang aking nahulugan.

"Advient Nubes!"

Song of Dagger (To Be Publish Soon Under Le Sorelle Publishing)Where stories live. Discover now