I- Dinning Hall

536 19 3
                                    

Maulan na umaga sa lugar na sinasabi nilang Safe Haven. Malaki ang lugar siguro ilang palapag din ang gusali na ito. Lumabas ako sa aking silid. Madaming naglalakad sa hallway at para itong isang hotel o isang inn.

"Nabalitaan mo ba 'yon?" Narinig ko ang isang malaking babae. Oo malaki siya para sa akin kasi maliit lang kasi ako. Kaparehas ng nanay ko. Madalas akong biruin ng mga kapatid ko sa ama na kinulang daw ako sa height. Pero hindi naging sagabal 'yon, mabilis naman akong kumilos at makipaglaban.

"Oo nabalitaan ko nga," tugon ng isang pang babaeng kausap niya. Na may brown na buhok.

Sinundan ko sila kung saan sila pupunta. Medyo nagugutom na kasi ako.

"Sinabi nga ni Headmisstress na malalakas daw sila noong nakipaglaban sila sa mga 'yon," sabi muli ng malaking babae.

Lumingon sila sa akin at nagbabang tingin ako. Hindi naman ako interesado sa pinaguusapan nila. Pero ang mga titig nila sa akin ay akala mo tsismosa ako.

"Hoy bata. Bago ka lang dito 'no?" mataas na tono ng boses na tanong sa akin ng malaking babae.

Nag- smirked ang payat na babae na may brown na buhok at mukha siyang tipaklong. Tapon ulo pala ang hitsura niya. "I'll bet, Reeda nakikinig siya sa usapan natin."

Humalukipkip sila at tiningnan ako ng masama. Ang bakukaw at ang tipaklong nag- join force.

"Hi- hindi ako interesado sa pinag-uusapan ninyo," matipid kong tugon.

"At nagsasalita pa ang tsismosa. Narinig mo Lory?" sabi no'ng Reeda.

"Yumuko kayo!"

May sumigaw sa may likuran namin, isang bata ang boses, sinunod naman namin siya at napayuko kaming tatlong. May kung ano'ng spell ang mabilis na dumaan sa itaas namin at nang tumama sa isang bagay sumabog ito.

Isang magandang babae ang lumapit sa amin. Maganda ang suot niyang damit at nakapusod patalikod ang kanyang buhok. May mga abubot na makikinang ang kanyang buhok at kulay asul ang kanyang mata. "Sorry po! Pumalpak nanaman ako sa Shifting Spell."

"Palibahasa kasi isang lambana kaya laging pumapalpak!" pang aalipusta ni Reeda sa isang lambana daw.

Maliit sila. Bakit ang isang ito ay kaparehas ng laki sa amin?

"Hoy Yesha! Umayos ka nga! Sa kakaganyan mo hindi ka tatagal dito sa Safe Haven." Sinigawan ni Lory ang kawawang lambana na si Yesha.

Nagbabang tingin naman si Yesha sa amin.

"Hindi naman niya kasalanan e. Aksidente ang nangyari," sambit ko.

"Hoy batang buguwit. Magsama nga kayo ng friend mong maliit din! Hay! ang aga- aga kasing pangit ng panahon 'tong araw ko!" Papalayong wika ni Reeda at nagdadabog na umalis.

Naiwan kaming dalawa ni Yesha.

"Yesha tama?"

Tumango siya nang banggitin ko ang kanyang pangalan.

"Ako si Joan."

Nang umangat ang kanyang ulo isang magandang ngiti ang pinakita niya sa akin. At para bang ang mata niya ay kumutitap. Sabay niya kinuha ang kamay ko at hinila.

"Teka saan mo ako dadalhin?"

"Nagugutom ka na 'di ba?"

"A- a- oo."

"Tara sabay tayong kumain."

Hila- hila niya pa rin ang aking braso at pumasok kami sa isang maliit na kuwarto na sakto lang sa ilang tao at mayroong siyang mga pindutan na numero ngunit ang nakasulat ay ang mga runes.

Song of Dagger (To Be Publish Soon Under Le Sorelle Publishing)Where stories live. Discover now