Chapter 3 of Season 2: The Promise Of Past

3.3K 93 43
                                    

Drake's POV

"Ikaw ba'y anak ni Shara o ng mabait na si Jenric?" nakangiting tanong sa akin ni lolo. This time... naniniwala na yata ako sa sinasabi niya.

But if you thought for it deeper. Parang ang galing naman? Lolo ko.. at lolo talaga ni Shemmier? Wait. I have to know more.

Dammit.

"I'm Drake, Jenric's son. Yeah.. I mean.. anak po ako ni Jenric." Sabi ko. Nagulat ako ng mapa-English ako at agad ko namang tinagalog. Napakunot kasi ang noo ni lolo.

Napahigpit ang hawak ng mga kamay ko sa natahimik na si Shemmier.

"Lo, ano po ba yung kwento tungkol sa mga lolo namin ni bossing.. nito pong si Dei.."

Napabuntong hininga siya. "Hindi ko alam kung bakit.. pero bakit parang bumabalik ako sa kapanahunang ganiyan pa ang aking edad. At ang akin pang ipinagtataka ay... tila kaharap ko ngayon ang dati kong mga kaibigan... kamangha mangha! Hindi nga kaya?"

"Anong hindi nga po kaya?" I asked.

"Ito ang kwento ng inyong mga lolo. Simulan natin sa umpisang umpisa... ng panahong nakilala ko pa lamang ang iyong lolo... Drake apo..." Nakangiti niyang sabi. Damn. why I'm feeling nervous... I feel something.... damn.





Young Lolo Florencio's POV

Naku talaga iyang si tiya! Hindi ko malaman kung wala lang siyang pakiramdam o wala lang talaga siyang pakialam sa akin. Ang layo layo ng Teranate Bakery mula sa bahay doon pa ako gusto pabilihin ng tinapay. Malayu layong lakaran ito. Nakakainis talaga! Mabuti sana kung pinakain niya muna ako eh. Ngunit hindi. Sa bagay ay maaga pa naman.

"Simulan ko na nga lang maglakad. Walang magagawa itong inis ko! Hays!" Bulong ko sa sarili.

Hindi naman ako tamad. Sadyang malayo naman talaga ang bakery shop na gustong pabilihan ng tiya ko. Parang walang pakialam kung mapagod man ako. Pero ano naman ang magagawa ko? Ganiyan naman na siya simula pa lamang.

Tyinaga ko lakarin ang malayong daan. Sinipa sipa ko ang mga bato para hindi mainip kaya naman.. nakarating din ako makalipas yata ang ilang taon.

"Pabili nga po ng limang pandesal." Pawisan na ako. Dahil sa layo. Pagod na ako nabwisit pa ako ngayon dahil nakakunot ang noo ng intsik yata na ito na nagbebenta sa akin. "Ako di payag malugi ah! Ayusin mo 'yan! Ayoko ganyan!" Sigaw ng intsik yata na nagtatagalog sa katabi niya na babaeng nasa gilid. "Felix!" Sigaw ulit niya na wari'y may tinatawag. "Felix! Ikaw nga benta dito! Ako punta pa Binondo para di mo alam ha!" Kamot ulo namang sumulpot ang lalaking maputi at singkit din ang mata.

"Ilang pandesal?"

"Lima po."

Napangiti siya sa akin. Maamo ang mukha ng lalaking ito at mukhang mabait hindi katulad ng kaninang nakasimangot na intsik. Inabot n'ya na sa akin ang binili kong tinapay. Nagtaka ako ng makitang pinagmamasdan niya ako sa aking mukha. "Ano pong problema?" sabi ko. Pagkatapos ay kinuha ko na ang aking biniling tinapay at pagkatapos ay inabot ang bayad.

"Pinagmamasdan ko lamang ang iyong mukha kaibigan. Bakit pawis na pawis at init na init ka samantalang masiyado pang maaga? wari ko'y nagpapapawis ka tama?" Nakangiti niyang sabi. "At isa pa, kaedaran mo lamang ako kaya't maaari ba'y wag mo na akong galangin? Baka ako'y tumanda niyan... hehe." Nawala ang mata niya ng siya'y tumawa.

Você leu todos os capítulos publicados.

⏰ Última atualização: Jul 22, 2017 ⏰

Adicione esta história à sua Biblioteca e seja notificado quando novos capítulos chegarem!

The Billionaire's Prince (BROMANCE STORY)Onde histórias criam vida. Descubra agora