The Grand Celebration

2.7K 132 12
                                    

Shemmier's POV

"Kinakabahan talaga ako Shemmier, pa'no kung magmukha akong kawawa dun, sabi mo nga diba puro bigating tao nandon? A-ano? Ayos lang ba, bu-bumagay ba sa akin 'yung damit?"

Si mama, kanina pa kinakabahan 'to eh. Buti pa ako chill lang. Hehe!

Eto na po 'yung araw ni Bossing, kaunti kinakabahan ako kasi may papel din akong gagawin sa birthday niya eh.

"Mama talaga oh. Relax lang 'Wag kang kabahan," binigyan ko siya ng malaking ngiti. "Bagay na bagay kaya sa'yo 'yung damit na 'yan at kahit ano pang isuot mo 'Ma, bagay pa nga din eh!"

Pagpapalakas ko ng loob niya. Bahagya naman siyang napangiti dahil dun. Si Bossing mismo nagbigay ng damit na 'to, para makasabay daw kami sa style ng pamilya niya. Maging 'yung damit ko sa kaniya nanggaling. Sa 1 buwan na lumipas ang daming nangyari. Naamin ko na kay Mama ang tungkol sa amin ni bossing at agad agad natanggap niya ako. Ganun naman siya eh. Mahal na mahal niya 'ko.

Tanggap ang lahat sa pagitan ko at ni bossing, sa mundo naming dalawa. Minsan naiisip ko baka dahil sa si bossing eh si bossing kaya walang kumokontra sa relasyon namin kahit na alam naman ng lahat na hindi ito normal.

Mahal na mahal na mahal ko si bossing. Kaya kung nagkataon man sigurong may mga tutol sa aming dalawa, magagawa ko pa din siyang ipaglaban.

Excited na akong batiin si bossing sa personal, bukod kasi sa birthday niya ngayon eh, 2nd Monthsary din namin ngayon. Hehe! Hindi ko pa siya mapuntahan kasi sigurado babawalin pa 'yun lumabas, tsaka baka busy ang lahat sa mansion nila.

Pagkatapos ni Mama magsukat ay  naisipan na naming dalawa kumain ng tanghalian. Wala si tita Olive, nasa Cebu po siya ngayon may kinailangan lang siya ayusin na mga papel.

***

Alas quattro na, eto si Mama eh naliligo na oh. Sabay na kaming pupunta ngayon kila bossing, suguro mga 5 kami dito aalis. Hehe!

Drake's POV

"Pwede pakipatay muna 'yung mga ilaw?! Ang sakit sa balat ah!"

Sigaw ko. Ang init kasi dito sa room na kinauupuan ko, dagsa pa 'yung mga tao na may kaniya kaniyang trabaho na gagawin para sa'kin.

Nagmamadali naman ang mga 'to na patayin ang ilaw. Ewan ko mukha lang sigurong mainit dahil sa dami ng taong nandidito ngayon.

May naglalagay sa akin ng foundation, eyeliner, at kung anu ano pa sa muka ko tapos kapag 'di ko gusto itsura ko tatanggalin ulit at apply ng panibago, kinukuha ang timpla.

Masiyado! Napakarami na ng tao sa labas, someone show me the picture of some of this. Kinunan nila at ipinakita sa akin, mukhang palasyo na sa labas dahil sa mga suot ng lahat ganun din dahil sa interior design ng kabuuan ng place. Lalo na mamayang gabi, mas masisiyahan ang mga bisita! This is my way to show how god  i am.

Nabati na ako ng lahat halos ng mga inaasahan 'kong babati sakin. From my friends to my family. Especially Mom! Sa pamamagitan naman ng texts, Facebook, my email, everything. 'Dun nagpaabot ng greetings ang iba. Maging ang aso kong si Toutchie binati na din ako eh.

Naririnig ko na mula dito sa taas ang 4 na emcee na nag-aasist ng bisita 5:00 na kase! Lapit ng magumpisa ang grand celebration ng birthday ko, naguumpisa na din niyang magdatingan lahat ng invited! Musta kaya si Shemmier. Her Mom? Ugh! Kailangan 'di sila mabored!

Elyza's POV

Nganga! Ayan ako ngayon! Diyusme eh maging guard dito sa birthday ni Drake naka Prince Costume! Naka-Sky blue gown ako ngayon at princess's shoes, at maliit na korona sa ulo. Siyempre todo make-over! Kinalimutan ko muna pagiging half lesbi ko. Kailangan ko maging in sa birthday nitong si Drake, teka ang gagara at ang bobongga ng mga tao dito, nandito na kaya si Shemmier?

The Billionaire's Prince (BROMANCE STORY)Where stories live. Discover now