His Mission

2.6K 111 10
                                    

A/N: Hello! I Just want to share na may new story po ako titled 'Aso't Pusa Love Story' Yon! Nasa account 'ko po, humor siya eh, sa gustong tumawa, go basa! Hahaha! Ge!

Drake's POV

"Yay, bossing tuwang tuwa si ate, kita mo? Galing. Hehe!"

I feel so well, first time kong magresponse sa isang 'Hello' eh.

By the way, naglalakad lang ako, with him papunta daw sa bridge dun oh. Ewan ko dito.

***

"Anong gagawin natin dito?" I asked.

Hindi niya lang ako pinansin, nakangiti siyang nakatingin sa malayo at pumikit. Ine-enjoy niya siguro 'yung hangin. Lokong 'to, hindi na kami pumasok ng school ah.

He looked at me. "Bossing, may ituturo pa ako sa'yo." Nakangiti niyang sabi.

"Hmmn, What's it?"

"Alam mo bang masarap sa pakiramdam na maraming nagmamahal sayo? Yung kahit saan ka mapunta, nakangiti sa'yo yung mundo..." Nakangiti siyang nakatingin sa magandang view mula dito sa tulay. "Alam mo ba bossing, para sa akin, ang saya saya ng mundo na 'to, wala akong kaaway; walang kagalit, payapa at tahimik ang buhay ko.. Alam mo bossing kung ano ang sikreto?" Tumingin siya sa akin, nakangiti. "..kailangan lang, lagi kang nakangiti... Ngingiti din ang mundo sa'yo..." Then he pinched my little nose.

I do believe him, napaka positibo niya nga sa buhay, he's always smiling... 'yun siguro ang bagay na nagustuhan ko sa kaniya.

"Sikapin mong, ngumiti ang mundo sa'yo bossing... Hindi magandang puro na lang galit, inis, iyak ang nasa loob ng mundo, subukan mong katagpuin ang tunay na ligaya ng buhay...."

"Sinasabi ko sa'yo ang mga bagay na 'to bossing dahil--- gusto kong maranasan mo ang tunay na kasiyahan ng buhay..."

Tumingin siya sa mga mata ko; "isa pa bossing, Ipinangako 'ko sa sarili ko na babaguhin kita, dahil kailangan mo 'yun, ayoko ng may taong galit sa'yo, ayoko ng may namumuhi sa'yo, ang gusto ko... Magkaroon ng mga taong nagmamahal sa'yo, lingid man o hindi sa kaalaman mo. Ngayong isang buwan na tayong dalawa bossing, ang saya saya ko, Kaya sana... Mapagbigyan mo ako na--- na--- baguhin kita." Nakangiti niyang sabi.

Kinagat kong muli ang labi ko. Slight, naiiyak ako sa litanya niya eh! "May nalalaman ka pang ganiyan ha?" Nahiya naman siya bigla tapos nagkamot ng ulo, smiling. "Okey, okey, sabi ko nga 'I will try' 'di ba? Kaw pa!" Tapos nahihiya akong tumingin sa malayo.

"Sorry na... Madrama boyfriend mo.. Hahahaha!" Sabay akbay sa'kin.

Nararamdaman kong nakatingin siya sa akin. Bigla ko na lang naisipan na iharap ang mukha ko at i'm not mistaken, nakatingin siya sa akin habang nakangiti. Napaka gwapo niya oh!

"I love you bossing...."

Bigla namang dumagundong ang puso ko.

Dug dug.

I don't care kung may katabi man kami ngayon or wala, i just response to his 'I love you'.

"I love you too." Bulong ko.

Ngumiti siya at kapwa na kami tumingin sa magandang view, habang magkaakbay. Masaya.

***

"Pangalawang bagay na kailangan mong matutunan bossing, kailangan 'pag may kumausap sa'yo, kahit sino--- kausapin mo. Ng maayos. Okey? At kung alam mong ikaw talaga ang mali, dapat matuto kang humungi ng sorry.."

"S-sorry? Ahh...  O-Ok."

Mukhang mahihirapan ako sa mga command niya, it's hard for me to do that all because, kinasanayan ko na na, hindi nagso-Sorry, hindi namamansin, hindi--- basta!

The Billionaire's Prince (BROMANCE STORY)Where stories live. Discover now