Fast forward- 'DESTINY WILL FIND A WAY'

4.3K 104 13
                                    

Author's Note:
ITO NA PO GAGAWA NA ANG TADHANA NG PARAAN PARA SA PAGKIKITA NG DALAWANG PRINSIPE. KAPIT LANG!

Ps. Votes please!

[ DRAKE'S POV ]

Nasa labas na nga ako, kami ng ulol kong security nitong studio. Suot ko ang shades dahil sa mainit, at siya? nakasunod lang sakin.

Lakad lang, at pinagtitinginan nga ako dahil sa porma ko na parang artista, tinitingnan ako mula ulo at pagbaba sa paa ay makikita nila ang labas kong binti na wala man lang galos, kahit kaunti. Syempre pati na din ang maporma kong sapatos.

Iniisip ko ang kamaldituhan kong ginawa, well wala naman silang pakialam, masanay na sila sa akin.

Lakad pa at natatanaw ko na nga ang kotse, at si manong Louis, may kausap sa phone niya?

Anyway yung phone ko? nandun na lang sa studio, sabi ko itapon na lang nila, wala namang mahalaga dun, wala dun ang simcard ko at madami naman akong pamalit!

Sino kaya ang kausap netong matandang to? Ha-ha! Wag lang siyang magkamali, SIGE!

"sir Drake, si Sir po..nasa linya." -manong Louis, nagmamadali niyang inaabot ang phone pagkalapit pa lang sa kotse.

Tiningnan ko siya ng masama. Yung tingin na, 'Don't make an Action against me! Don't try me.'

Kinuha ko ang phone.

"H-hello dad?!" Nagsasalita siya sa kabilang linya at parang pinapagalitan ako. Ang ginawa ko? "Dad? What's it? hindi kita marinig, poor signal? Sobrang choppy,dad ano yun?matandang sumbongero? Dad choppy talaga eh, p-pauwi na din naman kami, ay ako pala. Sige dad choppy talaga e. Sige bye, ingat"

At binaba ko na. i threw his phone at as usual, uminit na naman ang ulo ko.

Basag ang phone niyang di-keypad. Buti nga sa kaniya.

"Give me the key, old man!" -ako.

Shock siya, nakatingin siya sa basag niyang cellphone at parang naiiyak na, tumingin siya sakin.

-s-sir Drake?" taranta na siya.

"Give me the key i said." kalmado kong sabi.

Ibinigay niya ang susi at dumukot ako sa bulsa sa likod ko, kinuha ko ang wallet. kumuha ako dito ng P1000 at tumingin ako sa mata niya, nilukot ko ito at initsa.

Sumbungero siya ha?

"I will drive for my self. i know how to drive, at ikaw matanda ka? Maglalakad ka pauwi, no, magcommute ka, kunin mo ang isang libo at umuwi ka kung makakauwi ka! sumbongero ka diba? Hah! take care! - i fuckingly said. Wag kasi kong kalabanin

At siya? kamot ulo pero di naman makikitaan ng galit sa mukha, aba eh subukan niya lang. Badtrip na ko kaninang umaga pa.

Napansin kong nakatingin ang isa pang matanda na siguro e driver din to, na nasa tabi ng sasakyan namin, at parang naaawa. Baka kausap niya to kanina ng nasa loob kami, but i don't care.

"And why? Parang nanunuod lang ho ng sine ah?" -pambabastos ko, at inalis ko na ang tingin sa kaniya.

"Papasok ka ba o maglalakad ka din?" -ako kay security Jep Jep. Pumasok naman na siya sa loob.

"kapag hindi ka dumating sa bahay bago mag 6:30 PM, you will be Fired." Pasok sa kotse, at Drive.


Nandito na nga, tanaw ko na dahil nakapasok na ko sa subdi.

The Billionaire's Prince (BROMANCE STORY)Where stories live. Discover now