"Ang SIMPLENG POGING si Shemmier pt. 2"

4.3K 115 10
                                    

AUTHORS NOTE: Ang pangyayari pong ito ay kasabay na nangyayari sa mga kamaldituhan ng 'BRATINELLONG BILYONARYO' na si Drake, pano po kaya sila magkikita gayong magkaiba ang mundo nilang dalawa? Hehe! Abangan mo po!

Ps. I need your VOTES! Para masundan na agad to. Thanks! :)

[ SHEMMIER'S POV ]

SHANIA?!! Anong ginagawa niya dito?

Ginulo ko ng bahagya ang malago at buhok kong laging mabango, hehe! pinantay ng mga kamay ang makapal kong mga kilay na binabagayan ng singkit kong mga mata. Lalabasin ko siya, baka kasi mahalaga.

Ayos ng tindig, binanat ko ang  halos lukot ko ng damit ko para maayos tingnan, haharap ako sa prinsesa eh. Biro lang! Hehe!

Ngiti sa salamin, at lumabas ang malalim kong dimples.

Nadaanan ko sa sala ang orasan naming kulay puti, matagal na tong nandito, mga 3 taon na. Alas quattro i-media na pala.

"Oy?!" -ako habang nasa pintuan pa, kausap niya si Mama sa terrace namin na di kalakihan.

"Andiyan ka pala Shemmier." nakangiti siya "..tita, pwede po ba siyang gumala? may paguusapan lang po sana kami."

Tumango si mama.

"Wag kayong magpapagabi." -mama.

"Opo!" -shania, ngumiti siya kay Mama. "..tara sa Elem?" harap niya sa akin.

Elem, ibig sabihin po nun Elementary, tambayan namin ng mga tropa ang Elementary School dito sa lugar namin e, malapit lang kasi iyon sa bahay namin, lakad lang ng kaunti at nanduon ka na.

"S-sige Shania!" -ako, tumingin ako kay Mama, "..Ma, sandali lang po ako." Ngiti.

HINAWAKAN ako ni Shania sa kamay at tumakbo siya, wala akong magawa. tumingin ulit ako kay mama at nakangiti ito, "..Sige po ma! Ummmmwah! hehe!" -flying kiss ko.

Ang lambot ng kamay niya, at maya maya pa hindi na tumatakbo, pero magkahawak pa din ang mga kamay namin.

Umupo kami sa gilid netong ground ng Elementary School, 'Makiling Elementary School.' dito ako lumaki,  kaya mahal ko din ang eskwelahan na to, Mahal na mahal. ^0^

Sa kabilang gilid ay simbahan, at sa pinakagitna ng daan ay mga sasakyan na nagdadaanan.

Tahimik lang kaming dalawa pero parang kinakabahan siya. Parang nagkakabisa ng sasabihin?

"Oy!? bakit pala?" pambabasag ko sa katahimikan. nakatingin ako sa kaniya habang nakatingin siya sa kalsada, kinakabahan.

"Shemmier." tawag niya sa pangalan ko.

Nakatingin lang ako sa kaniya, hinihintay kung ano ang sasabihin.

"Gusto mo d-din ba ako?" utal niyang sabi.

Ha? ano bang meron? magtatapat na ba siya?! h-hindi pa ko sigurado sa nararamdaman kooo! tulong!

Hindi ako makasagot. Ako naman ngayon ang nakatingin sa nga nagdadaanang sasakyan.

"Ma-mahal na kita Shemmier nuon pa man, alam ko ganun ka din sakin." -SHANIA.

Hindi ako makasagot.

The Billionaire's Prince (BROMANCE STORY)Where stories live. Discover now