Chapter 30: Psalm Crane

Start from the beginning
                                    

Waaah! Ang galing ko talaga! Walastik!

"YEHEY! THANK YOU, LORD!" Nag-flying kiss ako sa taas bago dinamba nang yakap si Genesis. "Yehey! Hindi na ako mabubugbog!"

"What the fuck?! My wounds are aching, moron!" reklamo ni Genesis kaya mabilis akong lumayo sakanya. Hehe, mahirap na baka sapakin pa niya ako.

"Sorry. Tara na sa Clinic?" masayang anyaya ko.

"Tss." Nauna na itong naglakad kaya masayang sinundan ko ito. At habang naglalakad kami ay hindi ko maiwasang mapakanta.

"Come on, vámonos! Everybody let's go!
Come on, let's get to it. I know that we can do it. Where are we going?
To the Clinic.
Where are we going?
To the Clinic.
Where are we going?
To the Clinic.
Where are we going?
To the Clinic!"

Tumalon ako nang may bato sa dinadaanan ko. Tapos mabilis akong tumuntong sa bench at nag-tambling pababa.

"To the Clinic!" sigaw ko at tinaas ang dalawang kamay sa ere.

"Tss, here's the Clinic," anunsyo ni Genesis at nauna nang pumasok sa loob.

Sumunod ako agad nang may malaking ngiti pero hindi ko pa nasasara ang pinto nang may biglang yumakap sa akin.

"PSALM MY BABY!"

Na-estatwa ako at pinanlakihan ng mga mata sa gulat. Pero teka..

Baby? Pero hindi na ako baby. 19 na ako—hmm, pero siguro nga kasi minsan tinatawag pa akong baby ni Dada.

Magsasalita sana ako pero biglang nawala ang taong yumakap sa akin. Nakita ko nalang na may tinulak si Genesis sa sahig kaya napatingin ako dito.

"GET OFF OF MY BROTHER, BITCH!" Dumagundong ang sigaw niya kaya napatakip ako ng tainga. Pakiramdam ko naurong ang eardrum ko!

Mabilis na umiyak ang babae saka nanginginig na tumakbo papalabas ng Clinic.

"Genesis? Omygash!"

Tumili ang Nurse nang makita si Genesis pero agad din itong tumahimik nang tignan siya ng masama ni Kaps. Napanguso ako, ang astig talaga ni Genesis, nagagawa niyang patahimikin ang isang tao gamit lang ang tingin.

Ako kaya? Ano kaya ang superpowers ko? Hihihi, meron pala, kaya kong umubos ng tatlong kaldero ng kanin, hehe, galing ko! Tapos kaya ko pang magtago ng pagkain sa bibig ko nang hindi nahahalata ni South! Kaya ko rin mag-tambling nang dalawang sunud-sunod! Mas astig pala ako kesa kay Genesis!

"Move and fucking aid my wounds!" sigaw ni Genesis sa nakatulalang Nurse.

"Ah..eh...e-eto na!" Napakurap-kurap muna ito bago natatarantang kinuha ang mga gagamitin sa pang-gagamot.

"Psh, impatient."

Sinundan ko nang tingin ang nagsalita at nakita ang mga Mighty Prince na isa-isang nakahiga sa kama para sa pasyente. Katulad ni Genesis ay may mga galos din sila sa mukha at katawan. Nandito din ang mga friends ni Genesis, nakahiga din sila sa tig-iisang mga kama. Wow! Ang astig naman! Parang ang sarap matulog dito dahil marami kang kasama.

"Dude, why so grumpy?" tanong ni Cain, ka-gang ni Genesis. Kulay brown ang buhok nito at naka-cast ang braso. May pasa din siya sa mukha.

"There are so many pathetic people around," sagot ni Kaps saka na-upo sa isang kama.

Ngumuso ako, gusto ko ring may pasa para makahiga ako sa kama. Na-i-ingit ako sakanila!

"Hi, Psalm!"

The Badass Babysitter Vol.1 ✓Where stories live. Discover now