Chapter 30: Psalm Crane

Magsimula sa umpisa
                                    

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Isaiah. Tumalikod ako kay Genesis para hindi niya makitang may tinatawagan ako. Sa pangatlong ring ay sinagot na nito. Nagsalita ako kaagad.

"Kaps? Huhuhu kailangan ko ang tulong mo—"

"YOU OLD SHIT! THAT'S MY NOTEBOOK! BRING IT BACK TO ME!" Hindi si Kaps ang narinig ko kundi malakas na boses ng isang batang babae sa kabilang linya.

"Notebook ko 'to! Hindi mo ba nakikita na si Boots ang cover? Si Diego ang cover ng notebook mo!" Si Kaps 'yun!

"NO! BOOTS IS THE COVER OF MY NOTEBOOK! YOU'RE A THIEF!"

"Ano 'yung thief?"

"STUPID! YOU DON'T KNOW THAT? HOW STUPID ARE YOU!" Nakarinig ako ng mga kalabog sa kabilang linya kaya nagtaka ako.

"Kaps? Baby brother?" tawag ko sa kapatid ko.

"Kids! That's enough! And you Isaiah, keep your cellphone inside your bag. No cellphone is allowed inside the classroom...Now, Kids, bring out your pencil, paper and crayons. Draw a sun and color it with yellow. Understood?"

"Yes, Teacher K!"

Namatay na ang linya.

Wala na ang baby brother ko.

Wala na akong pag-asa.

"What the fuck, Psalm? Are you listening to me?!"

Lumingon ako kay Genesis at nakita ang mabagsik nitong mukha. Nanlilisik na mga mata at naglalaway sa galit. Para na siyang si South kapag nagagalit sa amin. Handang kumain ng tao—waaah! Nanlaki ang mga mata ko at napayakap sa sarili. Ibig sabihin ba nito kakainin ako ni Genesis? Huhuhu ayokong makain!

"Genesis! 'Wag ka na magalit! Natatakot na ako sa'yo!" Bakit ba kasi ako pa ang inutusan ni South. Sana si Noah o Peter nalang!

Umiwas nang tingin si Kaps bago humugot ng malalim na hininga. Tumungo ito saka pinaglalaruan ang dulo ng damit. "I don't know where to find that Witch, even if I know I'm scared to look, fearing I'd see something that would break me," bulong niya pero narinig ko pa rin.

Bakit ba kasi ayaw niyang magpatulong kay Dora? May mapa siya, matutulungan siya nito. Makakasama pa niya si Boots sa paghahanap. Hays, hindi siya nag-iisip, naturingang Master ng Abs Society.

"Ako alam ko," sabi ko.

Agad siyang nag-angat nang tingin at nanlalaki ang mga matang tumingin sa akin. "Really?"

Tumango ako. Ang totoo ay hindi ko alam kung nasaan si South. Matapos kasi niyang umalis kanina kasama si Gab ay hindi ko na ito nasundan dahil biglang natumba si Genesis. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sakanya, bigla nalang kasi itong natumba habang nakatingin sa magkahawak na kamay ni Gab at South. Baka nangangawit sa pagtayo.

"Where?"

"Sasabihin ko, pero sa isang kondisyon!" Huhuhu bahala na mamaya kapag magalit siya sa akin dahil hindi ko naman talaga alam kung nasaan si South. Ang mahalaga ay madala ko siya sa Clinic at hindi ako mabugbog ni South.

"What is it?" Interisado nitong tanong.

"Pumunta muna tayo sa Clinic at ipagamot ang sugat mo tapos sasabihin ko na kung nasaan si South!" Ngumiti ako ng malaki—kasing laki ng butas ng ilong ni Dada para itago ang kabang nararamdaman ko. Ayoko talagang magsinungaling pero kailangan kong gawin dahil nakasasalay dito ang buhay ko.

Sandali siyang natahimik na parang nag-isip. Ilang sandali lang ay nagsalita na ito.

"Fine. Bring me to the Clinic."

The Badass Babysitter Vol.1 ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon