Chapter 1: Topher

30.5K 370 18
                                    

~ • ~

Aminado ako na atraktado ako sa mga lalaki, lalo na kung gwapo ito at may magandang pangangatawan. Hindi ko alam kung bakit tumitigas agad ang alaga ko sa tuwing makakakita ako ng lalaki na pumuputok ang muscles at abs. Libog na libog rin ako sa mga gwapo lalo na kung maangas ang dating ng mga ito. Pero kung minsan, kahit hindi ganoon kapogian, basta matikas ang dating at macho, okay na rin.

Ako si Topher.

Simula noong yakagin ako ng tito ko na magpaganda ng katawan, madalas na akong nasa gym para magwork out. Gusto ko rin kasi magkaroon ng six pack abs at nagpuputukang muscles tulad ng katawan niya at ng mga lalaking kinahuhumalingan ko. Kaya ginawa ko ang lahat hanggang sa maachieve ko ang pagkakaroon ng matikas na pangangatawan. Kung minsan pa nga, nalilibugan na ako sa sarili kong katawan kapag tumitingin sa salamin dahil sa resulta ng pagwowork out ko.

Pumanaw na ang nanay ko. Samantalang ang tatay ko ay iniwan na kami bago pa man ako isilang. Si Kuya Joseph, tito ko, na lang ang natitirang kamag-anak ko kaya siya ang kumukupkop sa akin.

Wala pang asawa si Kuya Joseph, kaya kaming dalawa lang ang nakatira sa bahay. Kung minsan, nag-uuwi siya ng girlfriend niya. Pero kadalasan di naman nagtatagal. Nakailang girlfriend na nga siya pero mabilis din niyang napapalitan. Isang beses nga noong tanungin ko siya kung bakit hindi sila nagtagal noong ex-girlfriend niya, sabi niya, "Nakakasawa siya eh, natira ko na. Gusto ko iba naman." sabay tawa nito. Natawa na lang rin ako dahil alam ko naman na playboy ang tito ko kaya nga hanggang ngayon, wala pang asawa.

Si Kuya Joseph ang nagpapaaral sa akin. May magandang trabaho siya at kumikita naman ng malaki, kaya nagagawa niyang matustusan ang pangangailangan naming dalawa. Parang tropa na nga ang turingan namin at hindi niya pinaramdam sa akin na pabigat ako sa kanya. Kung minsan pa nga, niyayakag niya ako pumunta sa mga clubs, maghahanap raw kami ng makakantot. Pero kadalasan, siya lang ang may nauuwi dahil nga hindi talaga ako naaattract sa mga babae.

Mas malaki kaysa sa akin ang katawan ni Kuya Joseph dahil hindi hamak na mas matagal na siyang nagwowork out kaysa sa akin. Maputi at may kapogian din, kaya hindi malabong nagkandarapa ang mga chicks na magpatira sa kanya. Pero kahit puro kalokohan si Kuya Joseph, maayos naman niya akong napalaki.

"Topher, alis na 'ko. Bala ka na dyan, lock mo pinto pag-alis mo!" sabi ni Kuya Joseph habang naglalakad palabas ng bahay. Papasok na kasi ito sa trabaho niya.

"Sige lang." sabi ko habang kumakain at patuloy na nagbabrowse sa Facebook.

Pagkaalis ni Kuya Joseph ay binilisan ko na ang pagkain at hinanda ko na ang sarili ko dahil baka ma-late pa ako papunta sa kolehiyong pinapasukan ko.

Bago ako pumuntang school ay dinaanan ko muna yung tatlo kong tropa sa dorm nila. Nakasanayan na kasi naming sabay sabay kapag papasok. Naging ritwal na kumbaga.

Nang buksan ko ang pinto ng dorm nila, bumungad sa akin si James na nakahubad at may tapis lamang ng tuwalya sa kanyang ibabang bahagi habang siya ay nagtutoothbrush. Napaayos ako sa suot kong pantalon dahil magbabadyang tumigas ang burat ko. Napamura ako sa isip ko dahil sa libog ko sa kanya. Katatapos lang yata niya maligo at mabasa basa pa ang buong katawan niya. Ang sarap titigan ng mala-pandesal niyang abs at dibdib niya. Mas nakakalibog pa dahil sa pagfeflex ng muscle niya dahil sa kanyang pagtutoothbrush.

"Oy pre! Pasok!" bati sa akin ni Luigi sabay akbay sa akin papasok.

"Puta pre, ang tagal niyo naman." sabi ko sa kanila nang maupo ako sa kama at pasulyap-sulyap kay James.

TopherNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ