Chapter 10

1K 21 0
                                    

AN: For those of you who miss Trace and Yuri, and who loved their story from Seige of Pleasures, this chapter is for you! xo
-

"Are you ready?" Nakaabang sa pintuan ng sasakyan si Leo. Animo'y isang prinsipe na naghihintay sa kaniyang prinsesa.

I shrugged off the thought. He's an enemy! I should be very careful with him around. Kita naman diba? Hindi ko man lang napansin na siya pala ang kukuha ng aking posisyon!

Anyone can be deceived by his good looks! Hopefully, not me. I'm a good actress after all. I can act like I like you and dump you afterwards. That's the power I got when I lost Hillary. I learned how to pretend to be happy and okay.

Tinahak namin ang kahabaan ng EDSA. Sa Angeles City, Pampanga pa kasi ang venue.

Sa kalagitnaan ng aming biyahe ay tumunog ang aking phone. The name Eonji registers before my eyes.

"Hello?" I said in monotone.

"Are you going at Trace's engagement party with my brother, Bourey?" Nahihimigan ko ang nagtitimping galit nya roon.

"Yes. Why? Is there a problem?"

Narinig ko siyang suminghap. "I told you. Not my brother, Bourey."

"It's none of your business. I'm hanging up."

"Oh no, you won't. Trust me." Aniya. Pero hindi ko siya pinakinggan at pinatay ko na ang tawag.

Iginaya kami sa isang pamilyar na subdivision. Sa harap ay kitang kita ang malaking sign ng THE SEIGE. It feels nostalgic. Ilang araw lang akong di nakapunta ay parang kay tagal na no'n.

"Is that my brother?" Tanong ng aking katabi.

Tumango ako. "Yes. Annoying as ever."

"What did he say?"

"It's none of your business." Gosh! Ito na lang ba palagi ang linya ko sa magkapatid na ito? They're creeping me out! Ba't di sila ang magusap at magtanong sa isa't isa diba?

The huge double doors are open widely to accomodate the guests. Nakalatag ang mahabang red carpet mula sa hagdan papasok. May mga ilang reporters din ang nakapalibot.

Nang bumaba kami ni Leo ay siyang pagdasa ng mga reporters sa amin. Kahit nakakasilaw ang bawat flash ng camera ay ngumiti ako sa mga ito.

It was blinding.

"Ms. Gabourey Klein of KLEIN Manufacturing. Who are you wearing tonight?" May nakalagay na malalaking letra ng isang Fashion Magazine sa kaniyang ID. Kaya malamang ay ifi-feature ito.

Pinasadahan ko ang suot kong black dress. It was simple yet elegant. It hugs my body prefectly. The iconic pearls were surrounded by the neck of my dress.

"I'm wearing an Audrey Hepburn inspired dress by Paul Richards." Sagot ko.

It's sad though that Audrey Hepburn was famous for her beauty rather than the good deeds she's done for the people. For humanity.

Tuluy tuloy kami sa paglalakad. Aside from the dress we are wearing, wala na silang ibang tinanong. Anyway, we're only guests.

Punung puno ng mga naglalakihang tao sa loob ng hall, celebrities at pulitiko, name it! Bakit nga ba hindi? It's Trace Winston Andersen's engagement party, the current richest man in the Philippines according to Forbes' survey. I couldn't even imagine what more could we expect on their wedding day kung sa engagement party pa lamang ay ganito na.

Napapalibutan ang lugar ng mga bodyguards. Maigting rin ang seguridad dito. Piling pili ang mga dadalo. Sa nasagap ko pa ngang balita, 1:1 ang ratio ng nagbabantay dito. Kumabaga, isang bodyguard per guest. Kung gano'n, may isang guard ngayon kung saan ang nagbabantay sa lahat ng galaw ko.

Unveiling TruthHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin