Chapter 5

1.3K 30 0
                                    

Napagdesisyunan namin ni Precious na mag-out of town gaya ng napagusapan namin no'ng una. Kaya narito ako ngayon sa ospital para kausapin si Dr. Ablaza.

"Excuse me?" Tanong ko sa front desk.

"Yes ma'am?"

"May I know Dr. Eonji Ablaza's office? I mean," Damn, I'm not really sure if he has an office here or what! Ang tanga ko lang para hindi muna nagtanong kay Daddy, though I'm still not sure if he'd talk to me.

"Do you have an appointment, ma'am?" Napataas ako ng kilay sa tanong ng Nurse kaya dinagdagan niya. "May protocol po kasi kaming sinusunod, ma'am."

"Can't I talk to him? It's really imprtant! My dad's his patient!" Giit ko rito, medyo naiirita na 'ko.

"I'm sorry, ma'am. Si Dr. Ablaza po mismo ang nagsabi na bawal kung walang appointment." Mahinahong sahit ng nurse. "Should I call his apprentice to make an appointment for you?"

What the hell! What is this? A company? Damn! Ang arte niya!

And his apprentice? Oh well, of course! He must be really good if he handles an apprentice.

You're leaving me no choice, Nurse.

"Then tell him his girlfriend is waiting outside! And if he doesn't show up until my temper is out of control, tell him I am breaking up with him!" Gigil kong wika.

Nataranta naman ang nurse kaya mabilis na may pinindot sa kung saan. The other nurses were eyeing me curiously and I couldn't care more!

Halos isang minuto rin akonh naghintay bago magkagulo ang mga nurse sa malapit.

"Good morning, doc!"

"Hi doc!"

"Good morning, Dr. Ablaza!" Lumingon ako sa kabilang side kung saan nanggagaling ang mga pagbati.

Tumatango lang ang ang seryosong mukha ni Dr. Ablaza sa mga bumabati sa kaniya, malayong malayo sa Eonji Ablaza na nakilala ko sa labas ng ospital. He's different here, huh?

"Doc!" Napatayo ang nurse na kausap ko kanina.

"I came because my 'girlfriend' is looking for me?" Pinagdiinan niya pa talaga ang salitang girlfriend.

"I-I'm sorry, doc. Hindi ko alam na.." Pinutol ni Dr. Ablaza ang anumang sasabihin pa ng nurse.

"It's okay. I don't really accept visitors during my rounds." Medyo napahiya ako doon. He sounds really professional. Nakitaan ko ng relief ang nurse. Tss!

Pinagtaasan ko na lang siya ng kilay nang sa akin siya bumaling.

"I told you if you miss me, just text me right away. You don't have to go in here." Aniya na nagpalaglag ng panga ko.

May narinig pa akong paimpit na tili mula sa ibang nurse na naroon. Damn him!

Hinapit niya ako sa beywang at bumulong, "Nabitin ka kagabi, 'no?"

Naginit ang lahat ng pwedeng maginit sa akin! Pakiramdam ko ay pulang pula ako ngayon.

"A-ano'ng sinasabi mo diyan?!" Pilit kong tinatanggal ang kamay niya sa baywang ko ngunit hinahapit niya ito lalo.

"Halika na. Let's go home." At hindi ko alam kung bakit mas lalong uminit ang pisngi ko.

Halos malimutan ko na ang tunay kong pakay kung bakit ako narito ngayon.

Nang nasa parking lot na kami ng ospital ay huminto ako. Napatingin siya sa akin.

"What's wrong?" Kunot noo niyang tanong.

Unveiling TruthWhere stories live. Discover now