Chapter 9

1K 20 0
                                    

Three years ago, I had no idea about what's happening on my father's company. I don't know how many times I had reiterated that fact. Hindi ko naman pwedeng sabihin iyon sa kausap ko dahil hindi niya rin maiintindihan.

"Eonji." I called him to confirm something. Hindi ako matatahimik hangga't hindi ko nalalaman ang misteryo sa pagkakaupo ng kapatid niya sa posisyong dapat ay sa akin!

"Yes, babe?" Napairap ako sa kawalan.

"Did you know that your brother is KLEIN's new President?! Alam mo bang siya ang former VP? What the hell is happening?!" Sigaw ko sa kausap ko.

"Chill. Hindi ko rin alam. All this time akala ko rin puro pagpunta sa The Seige ang inaatupag niya dahil madalas siyang off duty. I didn't know until last week." Napapikit ako sa frustration.

Wala rin pala akong mapapala sa isang 'to.

"I'll talk to you about this next time." Sabi ko at pinatayan na siya ng tawag.

Muli siyang tumawag sa akin pero hindi ko na ito sinagot.  I put my phone into silent mode para hindi ko na marinig ang pagring nito.

Minutes passed by, at kahit namomroblema sa kakaisip ay nagawa ko pang tingnan ang kaniyang mensahe.

"I didn't know about it, Bourey. Please don't get mad. Di ako makakatulog niyan. Anyway, just tell me anything I could be of help.
With love, Eonji."

All this time, I thought it was Eonji! Siya ang pinaghihinalaan ko! All this fuckin' time!

Kaya kinabukasan, iyon pa rin ang nasa isip ko. Gustuhin ko mang tanggalin sa isip ko, pero wala namang 'undo' ang brain kaya nakakainis!

"Petra!" Tawag ko habang pababa ng hagdan. Sinalubong ako ng aming natatarantang kasambahay.

"Ano po 'yon ma'am?"

"Dumating na ba si Dr. Ablaza para sa medication ni dad?" Tanong ko.

Tumango siya. "Ah eh, sino po sa dalawa ma'am?"

"Si Eonji. Sino pa ba?"

"Ah, wala pa po eh." Napakamot pa siya ng batok. "Yung dating doktor po ni Sir Klein ang nasa sala, ma'am."

Kumunot ang noo ko at hindi na siya sinagot pa bagkus ay duniretso akong sala upang makumpirma iyon.

Bahagyang nanlaki ang mata ko nang nandito nga siya. "I thought you're in Batangas, doc." Kaswal kong sabi.

"Hi." Aniya. "My brother hasn't done the surgery yesterday. It's against the hospital's protocol."

"Why did you ask him then?" Tanong ko.

"I tried my luck." Ngisi niya. "Anyway, are we going to talk about my work here?"

Bahagya akong nahiya roon. Oo nga pala! "What brings you here then?"

Gumalaw ang bagang niyang prominente bago sumagot. "Eonji is doing an operation today. He can't come so I thought I could lend a helping hand and look after your father. It's my off so.." Kibit balikat niya.

"Tapos na ba?"

Tumango siya. "Wala namang bago sa kundisyon ng daddy mo. He's fine. But he still needs a follow up every now and then."

"I thought it was severe? Eonji said..."

"It is. If not properly treated, that is." Mabilis niyang sagot.

Unveiling TruthWo Geschichten leben. Entdecke jetzt