Chapter 8

1.2K 30 5
                                    

Maraming kababaihan ang nagluluksa sa engagement party ni Trace Andersen. Natatawa namang inilapag ni Eonji Ablaza ang newspaper na hawak.

"That bastard paid me double for his fianceé's surgery!" Umiiling na ininom ni Dr. Ablaza ang kaniyang kape.

"Umagang umaga siya ang pinaguusapan natin. Tss." Bulong ko.

"Sorry, di lang ako makapaniwala. Ang gagong yun magpapakasal? Neknek niya! Parang kailan lang pinipilit niya 'kong sumali sa club niya."

Napaangat ako ng tingin. That piqued my curiousity. "Hindi ka ba member?"

Tiningnan niya ako na para bang ako ang pinakaimposibleng tao sa mundo. "Of course not! But I go to his club. Masaya eh!"

Napangiwi ako. "Parang gano'n na rin yun eh."

"No. I don't abide their rules. Disgusting!" Aniya.

"You think people there are... No, let me rephrase that. You think we're disgusting?" Puno ng asido ang tono ko.

"You're a member?"

"Yes. So what?" Mataray kong sagot.

Tumango tango siya habang inuubos ang kaniyang kape na ako ang nagtimpla! At hanggang ngayon ay wala pa akong naririnig na Thank you!

"Okay. I'll join too." Sakto sanang iinom akong juice nang sabihin niya iyon kaya nasamid ako.

"Hey," He rubs my back. Inalis ko ang kamay niya roon.

"I-I'm fine."

Nasa ganoon kaming posisyon nang bumukas ang main door. Iniluwa noon si Dr. Leonardo Ablaza, ang nakakatandang kapatid ni Eonji.

"Kuya!" Eonji beamed.

"Hindi mo sinasagot ang tawag ko." Napatingin ako kay Eonji. Ayan kasi, sobrang kalandian.

"Sorry. I was preoccupied."

Magsasalita pa sana si Dr. Leo nang magring ang kaniyang phone. Kunot noo niya itong sinagot.

"I understand, Trace. . . I told you, Laura needs to go to a rehabiliatation center, not in jail!" Hinilot nito ang kaniyang sentido. For a moment, I admired his strong features.

Ang kaniyang panga na animo'y inukit maging ang matangos nitong ilong ay kay sarap sanang titigan. Magkamukha sila ni Eonji, only that Leo has a more dominating aura. Bagsak ang buhok nito samantalang magulo ang kay Eonji.

"Call me back. H'wag kang OA. Yuri is fine. . . Alright." Kunot pa rin ang kaniyang noo kahit nakababa na ang tawag.

Nagkatinginan pa kami ni Eonji at malamang ay parehong curious. We both know Trace, Yuri and Laura kaya malamang ay pareho naming gustong malaman kung ano ang nangyayari.

Sumulyap sandali sa Dr. Leo sa akin bago sa kaniyang kapatid. "Handle my surgery today. Off mo diba? I know this is too much, pero kailangan kong pumunta ng Batangas."

"I won't." Preskong sagot ni Eonji. Kahit ako ay nabigla.

"Not until you tell me what's going on. What's up? Bakit hindi ka makakapagduty?" Eonji continued.

Umigting muna ang bagang ni Dr. Leo Ablaza bago sumagot. "Trace needs my help. I know you did great on your surgery with his fianceé but this is about business.

"When Yuri got into an accident, halos mabaliw si Trace, you know that. I can't let myself see that miserable side of the great Andersen. Now, I need to go with them in US."

Napakunot kami ng noo.

"For what?" Si Eonji.

"Yuri's infertile. I need to guide them there. They will be conducting a new technology that helps infertile like her. It's yet to come out in market but Trace has his ways. Mas magandang mayroon kahit isa sa amin ang nakakaintindi ng mga medical jargons. Yuri is a friend of mine, as well as Trace." Paliwanag ni Leo.

Unveiling TruthWhere stories live. Discover now