Chapter Seventeen

Start from the beginning
                                    

Pero buhay ang nakataya rito. Buhay niya. Buhay ng mga kasamahan niya. At hinahayaan niya ang mga salarin na gamitin siya para isagawa ang mga binabalak nila. But at least they're not ordering me to actually kill anyone. He took whatever comfort was left in that thought.

"45 minutes." Umalingawngaw ang isang boses sa intercom na malapit kay Champ kaya naman dali-dali siyang naglakad patungo sa kusina upang ilagay sa cooler ang cellphone nina Erza, Max, at Aron.

Kumuha na rin siya ng ilang makakain dahil walang kasiguraduhan kung makababalik siya roon para kumain. Lalo na kapag nagsimula na ang mga salarin sa mga kabaliwan nila. Napatingin si Champ sa bintana paglabas niya ng kusina. Based on the sky's brightness outside the window, Champ concluded that it was almost 5 in the afternoon. It was going to get dark soon and Champ had no idea where his other classmates were. . .or their cellphones. All he knew was that most of them are unconscious and he hoped, despite hating himself for doing so, that this would be beneficial for his task.

Ignoring the guilt threatening to overwhelm him, Champ left the kitchen to continue looking for the cellphones.

Pagka-akyat na pagka-akyat niya sa ikalawang palapag ng retreat house, agad niyang narinig ang malakas na sigaw.

"Tulong! May tao ba riyan? Tulungan niyo ako!" Umalingawngaw ang boses ni Joy kasabay ng malakas na kalampag.

Mukhang nawala na ang epekto ng tranquilizer na ginamit ng mga salarin. Inilibot ni Champ ang kanyang paningin at sinubukang pakinggan kung saan nanggagaling ang boses ng dalaga. Joy's voice seemed to be coming from a room near the hallway beside the library. Nakokonsensiya man, pinilit ni Champ ang kanyang sarili na maglakad patungo sa kabilang direksyon. Napatakip sa kanyang tenga si Champ dahil tila lalong lumalakas ang mga sigaw ni Joy sa bawat hakbang niya.

"It's better this way," Champ tried to reassure himself. "Mabait si Joy. Maiintindihan niya na kailangan kong unahing iligtas ang sarili ko."

Kalaunan, matapos ang lagpas kalahating oras, nahanap at nakuha na ni Champ ang mga cellphone maliban sa mga pagmamay-ari nina Ailee, Shem, Raziel, Cess, at Ashanti. Nang mapadaan siya sa 2nd floor, napansin niyang tahimik na ito; hindi na sumisigaw si Joy.

Napapikit na lamang si Champ at ipinagdasal na sana'y napagod lang si Joy o kaya'y nawalan ulit ng malay, at hindi ang kaawa-awang sinapit ni Max. He didn't want that on his conscience as well.

Pagkatapos niyang ilagay sa cooler ang mga cellphone, palabas na sana siya ng kusina matapos kumuha ulit ng mga pagkain nang makarinig siya ng mga boses sa labas.

"Sigurado ba 'tong si Apollo sa binabalak niya?" tanong ng isang malalim at garalgal na boses. "Kung tutuusin, bagong salta lang siya. We ought to know that Champ can't be trusted with anything, so what is Apollo playing at?"

Another person with the same garbled voice grunted. "The fuck if I know kung anong tumatakbo sa isip ni Apollo. Sinusunod ko lang ang utos ni Grim na sundin si Apollo. Let's just get this over with."

Bago pa makagalaw si Champ, biglang bumukas ang pinto at tumambad sa kanya ang dalawang taong nakasuot ng damit na tulad ng ibang salarin.

Champ felt not just like a deer caught in the headlights, he felt like a deer that's about to be gutted by a sport hunter. Sinubukan niyang humakbang palayo ngunit agad siyang nahawakan ng isa sa mga ito.

"Jumpy little thing, aren't you?" Natatawang sambit ng mas matangkad sa dalawa.

"M-M-May kasunduan k-kami ni Apo. . .Apollo," nauutal na sambit ni Champ dahil sa labis na takot. Ni hindi niya maalis ang kanyang tingin sa kulay ginto nilang maskara para alamin kung anong hayop ang nakalagay sa kanilang roba.

Death Trap Pandemonium (COMPLETED)Where stories live. Discover now