Chapter Eleven

123 18 26
                                    

NOTE: Play the music during the dinner scene lol.

CHAPTER ELEVEN
Trust Issues

October 30, 2015; Friday
Blue Bay Retreat House, Azulan City

"Penny for your thoughts?"

Hindi maiwasan ni Clyde na mag-alala nang hindi manlang lumingon sa kanya si Shem at sa halip, nagpatuloy sa paghithit ng paubos nang sigarilyo. Nakapatong sa ibabaw ng police cap ng ama niya ang isang pack ng sigarilyong kalahati na lang ng laman. Alam niyang walang bisyo si Shem. But the fact that he's going out of his way to smoke right now meant that he was extremely agitated.

"Kumusta si Ailee?" Those were the first words he uttered after several minutes of just sitting in front of the porch, watching the sun set.

Umiiling na tinanggihan ni Clyde ang inaabot sa kanyang sigarilyo ni Shem at sa halip ay naupo sa tabi nito.

"Ayon, nagkukulong pa rin sa kwarto nila ni Marelo," sagot niya. "Nakausap na ni Cess. Masama raw ang pakiramdam kaya hindi na siya sasali sa trust activity. Isabela was making sure na hindi siya makakakuha ng pagkain hanggang bukas."

Shem cursed and Clyde watched as he flicked the butt of the cigarette away. "Siguradong pag-iinitan na naman siya pagbalik ni Ma'am Demetria."

"Did you know?" Clyde couldn't help but ask. "Na may kakambal siya?"

There was a beat of silence. "No. There were moments that confused me which makes sense now. But I don't think anyone else other than 8teen knew. Pero naiintindihan ko kung bakit itinago niya 'yon," sabi ni Shem bago nagsindi ng isa pang sigarilyo. "Apparently, halos lahat tayo may tinatagong sikreto."

"Okay ka lang ba, Shem?" Nag-aalalang tanong ni Clyde matapos ang ilang sandali. "Alam ko kung gaano kahirap para sa 'yo na makasama sa iisang bubong yung-"

"'Wag kang mag-alala sa 'kin, Clyde," pagputol sa kanya ni Shem. There was a melancholic expression on his friend's face that only made him worry more. "Kung tutuusin, maswerte ako. Nakamit ko ang hustisya dahil hepe ang tito ko. Pero paano naman yung iba? Hanggang kailan sila maghihintay sa hustisyang hindi darating?"

Napalingon silang dalawa nang may biglang kumuha ng sigarilyo mula kay Shem.

"Alam mo, Shem. Kung po-problemahin mo yung mga bagay na hindi mo naman kontrolado, masisiraan ka lang ng bait," sabi ni Markus sabay hithit sa sigarilyo. "Hindi mo naman kasalanang hindi lahat nakukuha ang gusto nila. Tinatawag na kayo nina Isabela sa likod, by the way."

Before Clyde could say anything, Shem stood up, dusted his khaki shorts, and fixed Markus with a hard look. "P're, hindi yun yung point. Hindi pwedeng wala tayong gawin porket hindi tayo apektado. Dahil ba hepe ang tito ko at mayor ang kuya mo. Dahil ba privileged tayo. . .magbubulag-bulagan tayo sa paghihirap ng iba? Hindi naman ata tama 'yon."

Seemingly unaffected by Shem's words, Markus simply shrugged before saying, "All I'm saying is that sometimes, we have to accept na may mga sitwasyong wala talaga tayong magagawa. Tanggapin na lang natin at mag-move on."

Clyde knew before Markus even finished his statement that the two had broached a very sensitive subject. Lalong nakunot ang noo ni Shem. "I think the 'walang magagawa' mindset is just an excuse to turn a blind eye on the suffering and injustice faced by other people. Hindi maling lumaban. May mali kaya kailangang lumaban. Hindi ko maintindihan kung bakit ganyan ka mag-isip, p're. Akala ko mas maiintindihan mo dahil ilang beses mo nang naranasang mawalan ng mahal sa buhay."

Death Trap Pandemonium (COMPLETED)Where stories live. Discover now