“Sasakay ka ba o ano?” tanong nya at inabot sa akin ang isang helmet. Wow ready talaga sya ah.

Hindi na ako nagsalita at baka hindi na nya ako isama at maghanap ng iba. Aba! Hindi yata ako makakapayag ng ganun. Kaya agad na akong sumakay sa motor nya. Well, to tell you the truth, hindi pa ako nakakasakay sa ganun pero dahil racer ako at nakasakay na ako sa mga sasakyan na mas malala pa dito ay hindi na ako natatakot.

Bago pa nya paandarin yun ay kinuha nya ang kamay ko at ipinulupot sa bewang nya. Pakiramdam ko tuloy ay kasingpula na ng suot ni Santa Claus yung pisngi ko. OMG! Thank you, Lord dahil ang ganda ng Christmas gift mo sa akin.

“Hold me tight para wag kang mahulog.” sabi nya at narinig ko ang tunog ng motor. Sumandal ako sa likod nya. Anak ng siomai, ang bango nya! Duke, kahit anong higpit ng hawak ko sayo ay matagal na akong nahulog. LOL, makabanat lang.

Napakapit talaga ako ng mahigpit sa kanya nung magsimula ng umandar ito. Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero ayos lang kahit saan man iyon basta kasama ko si Duke my loves. Minsan lang to kaya dapat ko ng lubusin.

“Hey! You can let go of me now. We’re here.” sabi nya sa akin at tinanggal ang mga kamay ko na nakahawak o nakayakap sa kanya. Sa sobrang pagka-engrossed ko sa pagyakap kanya, hindi ko napansin na nandito na kami.

Tinanggal ko yung helmet at tumingin sa paligid. Isang pamilyar na lugar... maraming makukulay na ilaw, maraming tao madalas puro pamilya at magkakasintahan, mga tugtog na pang-pasko talaga. Sa isang amusement park nya ako dinala?

“Wala sa itsura mo na pumupunta ka sa ganitong lugar.” sabi ko sa kanya. Hindi na napigilan ng madaldal kong bibig ang sabihin iyon. Akala ko nga mao-offend ko sya pero nung tingnan ko sya ay nakangisi pa sya sa akin.

“You think so? We used to go here, right?” sabi nya at napatango nalang ako. Oo nga pala, nung mga bata pa kami, dinala kami ni Kuya Aeron dito dahil binigyan sya ng maraming ticket ni Mom. Tuwang-tuwa kami nun, pasko din nun.

Habang tinitingnan ko ang paligid na konti lang ang nagbago ay dumagsa sa utak ko ang mga alaala na hindi ko makakalimutan... ang amusement park na to ang nagpa-realize sa akin ng tunay kong nararamdaman para kay Duke.

8 years ago...

 

I was nine years old and dinala kami ni Kuya dito with Duke, Clark and Princess. Nag-ikot ikot kami pero nagkahiwa-hiwalay din sa huli. Ako nalang ang naiwan mag-isa, hindi ako pinapansin ni Duke, si Princess naman mortal enemy ko at pinapaiwas din sa akin ang Kuya nya kaya ayun ako nalang ang mag-isa dahil wag mo talagang asahan si Kuya na samahan ako.

Nagpunta ako sa horror house at dahil sa kapilyahan ko, sumuot ako dun sa isang taguan para manakot din pero nagulat ako ng may nagsara nun, akala siguro ay walang tao.

“Oh no! Baka kainin ako ng monsters and ghosts dito. Help me! Open the door.” paulit-ulit ko yun na sinisigaw pero walang nakakarinig sa akin dahil puro sigawan at tilian sa labas.

Nawalan na ako ng pag-asa at umiyak nalang habang nakasandal sa pinto. “Mamamatay na ako dito. No one will find me here. The monsters will eat me.” bulong ko sa sarili ko nun. Natatawa nalang ako kapag naaalala ko yun.

The Chase and YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon