Nagulat ang lahat nang mabalitaan nila ang biglaang pagdadrop out ni Chungha sa school nila. Pero si Chaeyeon syempre ay tuwang tuwa sa nabalitaan dahil pakiramdam niya ay nasa kanya na ang victory.
Sinubukan tawagan nina Somi at Sohye ang kaibigan nila pero maski sila ay hindi na macontact si Chungha kaya sobrang nag-aalala sila.
Si Youngmin man ay walang kaalam alam sa nangyayari dahil ilang araw nang nawawala ang cellphone niya simula noong huli silang nag-usap ni Chaeyeon.
Lunes ng umaga napagdesisyunan ni Chungha na bumyahe pa Seoul. Bitbit ang isang malaking maleta at isang backpack na puno ng gamit ay mag-isa siyang sumakay sa tren na papuntang Seoul.
Masakit man para sa kanya na iwanan ang mga nakasanayan niya sa Busan pero kailangan niyang gawin iyon para makalimot siya.
Makalimot siya sa mga bagay na nakasakit sa kanya.
Pagbukas nina Somi ng locker nila ay nakita nila ang isang sulat na galing kay Chungha. Hindi nila mapigilan ang pag-iyak nila. Lalo na't hindi parin sila makapaniwala na iniwan sila ng kaibigan nila.
Hindi nila magawang magalit kay chungha dahil alam naman nilang may dahilan ang dalaga kaya napagdesisyunan nitong umalis ng Busan.
"Si Youngmin." Naiinis na sabi ni Somi nang makita niya ang papalapit na pigura ng lalaking walang kaalam alam sa nangyayari.
"Somi, pigilan mo ang sarili mo." Bulong ni Sohye sa kanya pero parang nabingi narin siya. Kaya bago pa man makapagsalita si Youngmin ay agad na niya itong nasampal.
"Nang dahil sa'yo umalis ang kaibigan namin. At nang dahil din sayo nagulo ang buhay niya." Naiinis na sambit ni Somi bago siya nagwalk out. Malungkot lang na ngumiti si Sohye bago niya sinundan ang kaibigan niya.
Naiwang nakatulala doon si Youngmin na gulong gulo sa nangyari. Habang hingal na hingal naman sina Daehwi nang maabutan nila ito sa locker room.
"Hyung! Si noona! Umalis si Chungha noona!"
Parang binuhusan ng malamig na tubig si Youngmin nang marinig niya ang sinabi ni Daehwi. Doon niya lang narealize kung bakit galit na galit sa kanya ang mga kaibigan ni Youngmin.
Agad niyang hiniram ang phone ni Daehwi para tawagan si Chungha pero cannot be reached na ito.
"Hyung ano bang nangyari?" Naguguluhang tanong ni Woojin sa kanya pero maski siya ay walang kaalam alam sa nangyari.
"Hindi ko rin alam, hindi kami nakapag-usap kahapon sa text or chat dahil nawala yung phone ko."
"Hyung nabuksan ko yung facebook mo." Agad na pinakita ni Donghyun yung phone niya. At pare-parehas silang nagulat nang mabasa nila ang chat ng nagkunwaring si Youngmin.
"Shit."
BẠN ĐANG ĐỌC
As if it's your last | MXM • IYM
Truyện Ngắn"Enjoy your life, as if it was your last. " Produce wanna one series An epistolary by Yerimieekim #171 in SS [7/7/17] #119 in SS [7/16/17]
