Hwang Chungha's POV
"Saan ka pupunta?" Tanong ni kuya sa akin nang maabutan niya akong palabas ng bahay.
"Magroroadtrip lang kami ni Youngmin." Nakangisi kong sabi. "And don't worry we wont do anything na ikakagalit mo. Trust us please?"
"Fine, tawagan mo ako kapag nagkaproblema." Hinatid pa ako ni kuya palabas ng bahay at nakipagfist bump pa siya kay Youngmin.
Parang kahapon lang halos patayin na niya kami nung maabutan niya kaming natutulog sa sofa tapos ngayon parang sobrang close na close na agad siya kay Youngmin.
"Ingatan mo tong kapatid ko." Bilin ni kuya at nag-okay sign naman si Youngmin sa kanya.
Habang nasa byahe kami, hindi ko maiwasan syempre na hindi siya titigan. Hanggang ngayon kasi hindi parin ako makapaniwalang manliligaw siya sa akin.
Like, sobrang unexpected. Para lang kaming sort of magbestfriends eh. Pinaparanas niya sa akin yung mga bagay na never ko pang nararanasan. Para tuloy akong isang batang ngayon lang napalabas ng bahay tuwing may mga lugar kaming pinupuntahan nitong si youngmin.
"Sa Seoul tayo pupunta?" Nagtataka kong tanong. Kalalabas lang kasi namin ng Busan at alam kong medyo matagal ang byahe kapag by car kesa kapag sumakay kami ng KTX, pero ano pa bang magagawa ko sa trip ni Youngmin diba?
Buong byahe nagsoundtrip lang kami ng kung anu-anong kanta. Ngayon ko lang nalaman na magaling din pala siyang magrap. "Bakit hindi mo itry maging idol, Youngmin?"
"Hindi ko pinangarap maging idol. Mas gusto ko pang mabuhay ng tahimik kesa pasukin yung isang lugar na nakakasuffocate." Sagot niya.
"Bakit mo nga pala naisipan magpunta sa Seoul?" Tanong ko, lagi nalang kasi akong nagugulat sa mga lugar na pinupuntahan namin. Plano niya atang ikutin ang buong Korea eh. Bago kasi magfinals nagroad trip kami papuntang Daegu, dahil trip niya lang.
Odiba ang lakas ng trip ni Cloud?
"Secret nga diba? Matulog ka muna gusto mo? Medyo malayo layo pa tayo. Promise gigisingin naman kita." Tumango lang ako sa kanya at ipinikit ko ang mata ko. Medyo kanina pa naman ako inaantok eh.
Naramdaman ko ang marahan na pagtapik sa pisngi ko kaya napabalikwas ako ng gising. At oo sobrang nasurprise nanaman ako sa lugar na pinuntahan namin ngayon.
"Nabanggit mo kasi sa akin last month na gusto mong manood ng concert ng produce 101. Muntik na akong di makabili ng ticket kasi ang bilis naubos." Napapakamot pa siya sa batok niya nang pinakita niya sa akin yung dalawang ticket ng concert.
Halos ngumawa kasi ako nung naubusan ako ng ticket, two days yon pero wala akong nakuhang ticket. Gustong gusto ko pa naman makita si God-Daniel.
"Oh my gosh, youngmin." Hindi ako makapaniwala na gagawin niya ito. Hindi ko akalain na aabot siya sa point na ililibre niya ako ng concert ticket para lang maranasan kong makapanood ng concert.
"Tara na? Baka maubusan ka pa ng mga merch nila?" Nakangiti niyang sabi habang nakalahad ang kamay niya sa harap ko.
Nag-enjoy ako sa concert, as in. Worth it yung haba ng byahe namin dahil nakita ko sa personal yung mga trainees na sinusupportahan ko. Pero si Youngmin, ayun buong concert sa akin nakatingin. Natutuwa daw siya sa reaction ko eh. Muntik na nga akong matunaw sa titig niya.
After ng concert, sa aori ramen naman kami dumeretso. Oo yung ramen shop ni Seungri ng Bigbang. Sa sobrang saya ko napakayap ako ng mahigpit kay Youngmin, tuwang tuwa naman daw siya dahil nakita niya akong masaya.
"Oppa, super thankyou talaga ngayon." Nakangiti kong sabi sa kanya. Pauwi na kami ng Busan at kahit medyo pagod na kami sa adventure naming dalawa ay nagdrive parin siya.
"It's my pleasure to give everything to you." Nginitian niya lang ako. Shit, those smiles...
Hindi ko akalain na magiging isa ako sa mga babaeng nainlove sa ngiti niya.
Can I now consider myself as lucky to know him and fall in love with him?
YOU ARE READING
As if it's your last | MXM • IYM
Short Story"Enjoy your life, as if it was your last. " Produce wanna one series An epistolary by Yerimieekim #171 in SS [7/7/17] #119 in SS [7/16/17]
