"Kuya, the offer is still there diba?" Nagulat si Minhyun dahil sa naging tanong ng kapatid niya.
"Yes, why? Gusto mo bang lumipat narin dito sa Seoul?" Nagtataka niyang tanong. He can't see his sister right now pero ramdam niyang may problema ito.
"I would love to, kuya. Can I?" Nagulat siya sa sinabi ng kapatid niya. Alam kasi niya na ayaw na ayaw nitong umalis ng Busan dahil doon na sila lumaki, at nandoon ang mga kaibigan nito.
"Ya, Chungha may problema ba?" Nagpanic siya bigla nang marinig niya ang paghikbi ng kapatid niya.
"Wala kuya, pupunta na agad ako dyan a day after tomorrow. Magdadrop narin ako sa school para lumipat dyan ha. Bye kuya, love you." Bago pa man siya makapagsalita ay bigla nalang naputol ang linya.
Doon palang sa sinabi ng kapatid niya ay naconfirm na niyang may hindi nga magandang nangyari.
"Anong nangyari?" Nagtatakang tanong ni Jonghyun.
"Si chungha, gusto na raw niyang magtransfer din dito sa Seoul."
"Baka nag-away nanaman sila ni Youngmin." Singit ni Jaehwan.
"Igagaya mo pa sayo, nabestfriendzone mo nga si Yeonjung." Pang-aasar ni Ong sa kanya pero inirapan lang ito ni Jaehwan. "So gay." Dagdag pa ng binata kaya kinuha agad ni Jaehwan yung ruler na nasa lamesa at hinabol si Ong.
"Pakiramdam ko may ginawa nanaman sa kanya si Youngmin. Hindi basta basta magdedesisyon si Chungha nang ganun ganun lang." Tumango tango naman si Daniel sa sinabi ni Minhyun. "Iwanan ko muna kayo dyan, aayusin ko na yung paglilipatan ni Chungha."
Napabuntong hininga nalang si Daniel at napailing. Agad din niyang tinawagan si Chungha pero cannot be reached narin ito kaya naman si Daehwi nalang ang tinawagan niya.
At katulad ng reaksyon niya, nagulat din si Daehwi sa nabalitaan niya.
YOU ARE READING
As if it's your last | MXM • IYM
Short Story"Enjoy your life, as if it was your last. " Produce wanna one series An epistolary by Yerimieekim #171 in SS [7/7/17] #119 in SS [7/16/17]
