015

141 7 0
                                        

Im Youngmin
Active Now

Youngmin: yung deal natin.

You: aba himala ikaw ang unang nagmessage

Youngmin: wala akong pakielam kung sino sa atin yung nagmessage.

You: sungit. 🙄

You: fine, anong meron sa deal? Pumayag naman ako ah.

Youngmin: yun nga, dahil pumayag ka. I'll fetch you sa inyo tomorrow lunch. Utang na loob mag-ayos ka.

Im Youngmin is now offline.

You: the f??

You: mukha ba akong di maayos sa paningin mo? |deleted.

Ibinaba ni Chungha ang hawak niyang phone at napaharap sa malaking salamin na nasa kwarto niya.

Maayos naman ang itsura niya, maganda naman siya, ayon daw sa mommy at daddy niya. Pero hindi niya nga alam ang real definition ng pag-aayos.

Oo marami siyang girly stuffs na pinagbibili ng mommy niya pero hindi naman niya ito nagagamit dahil mas gusto niya yung nerd looking na ayos niya---malaking salamin at nakabraid lagi na buhok.

Dahan dahan niyang tinanggal yung pagkakabraid ng buhok niya kaya bumagsak ang mahaba at kulay brown niyang medyo nakulot na dahil sa pagkakaipit. Tinali niya ito ng pa-bun at saka naman niya tinggal ang malaki at makapal niyang mga salamin.

Kinuha niya yung isang piraso ng face mask at inilagay niya iyon sa mukha niya. Hindi niya rin maintindihan ang sarili niya kung bakit niya iyon ginagawa. Siguro dahil sinabi rin ni Youngmin?

Gusto rin naman kasi niya kahit papaano ay magmukha siyang tao sa harap ni Youngmin kahit pa ang sungit sungit nito sa kanya.

"Pero bakit ko ba siya sinusunod?" Tanong ni Chungha sa sarili niya kaya napakamot nalang siya sa ulo niya.

As if it's your last | MXM • IYMWhere stories live. Discover now