Kinabukasan, maaga nanamang pumunta si Chungha sa harap ng dorm nina Youngmin. Kahit kasi may kasunduan na silang dalawa ay wala paring tiwala si Chungha napapasok ito ng school, knowing Youngmin? Hah.
Kaso imbis na si Youngmin ang magulat ay siya pa ang nagulat. Nasa hagdan palang kasi siya ay nakita na niya agad na papalabas na ito ng dorm nila.
"Oh ano pang tinatayo tayo mo dyan?" Tanong ni Youngmin, nakakunot ang noo nito at nakataas pa ang kilay.
"Nagulat lang ako, ang sungit mo talaga." Napairap nalang si Chungha dahil sa kasungitan ni Youngmin. Hindi na siya nagulat nung kinuha ulit nito sa kanya yung bag niya.
Pagdating nila sa school ay agad silang pinagtinginan ng mga estudyante. Marami sa kanila ay obviously na may gusto kay Youngmin at hindi nagugustuhan ang biglang pagsama sama ni Chungha sa binata.
Kung kay Youngmin ay puro tilian kay Chungha naman ay puro masasamang tingin ang pinupukol. Wala tuloy siyang magawa kundi ang lumakad ng nakayuko.
Mukhang napansin naman iyon ni Youngmin kaya napatigil ito sa paglalakad kaya naman nautog si Chungha sa likod nito.
Nang mag-angat ng tingin si Chungha ay napansin niyang masama rin itong nakatingin sa mga babaeng kanina lang ay halos patayin na siya ng tingin. Agad hinigit ni Youngmin ang kamay ng dalaga kaya naman napasinghap yung mga babae.
Maski si Chungha ay nagulat sa ginawa ni Youngmin. Hindi niya kasi maimagine na gagawin iyon ng binata sa kanya. "Sa susunod, wag mong papansinin yung mga ganung tao. Wala silang karapatan i-judge ka dahil unang una hindi ka naman nila kilala."
Seryosong seryoso si Youngmin nang sinabi niya iyon kaya naman naiwan na nakatulala doon si Chungha. Hanggang ngayon nga ay hindi parin nagsisink in sa utak niyang nakakasama at nakakausap niya si Youngmin tapos dadagdag pa ang huling sinabi nito sa kanya.
YOU ARE READING
As if it's your last | MXM • IYM
Short Story"Enjoy your life, as if it was your last. " Produce wanna one series An epistolary by Yerimieekim #171 in SS [7/7/17] #119 in SS [7/16/17]
