pares

2 0 0
                                    

nakakaantok na,
lampas na ng alas dose, wala ka pa
hinihintay kita,
may nakilala ka bang ibang prinsesa sa piging na pinuntahan mo?
tingin mo sya na ang kapares ng sapatos mo?

sabi mo ako yun di ba?
natatandaan ko pa ang sinabi mo habang tinatali mo ang sintas ng sapatos ko,
sabi mo ako ang kabiyak ng sapatos mo, ako din ang kapares ng tsinelas mo,

kumportable ka sa akin at kahit sumikip pa ang sukat nito alam mo at naniniwala ka na ako lang ang nag-iisang kapares mo sa mundong ito.

totoo naman ang mga sinabi mo di ba?
ikaw at ako sabay na maglalakbay sa mundong ang halos lahat ay naghahanap ng kapareha nila at mamuhay ng sakto sa kaligayahan

070617//100

baby.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon