wala

6 1 0
                                    

morning nanaman, nagising akong walang nakayakap sa akin, wala ka na sa tabi ko. wala ng hahalik, papatong bigla bigla para simulan ng maligaya ang bagong araw. wala na din makikipagtitigan ng matagal hanggang sa mafeel kong natutunaw na ko na parang yelo.

wala ng magsasabi ng i love you wala na kasi ikaw. may bago ka na ba katabi sa paggising at pagtulog mo? wala na din makakasabay sa pag ligo. di ko na maririning ang boses mo habang nakanta sabay sa pagluto mo ng kakainin natin. hanggang ngayon iniisip ko pa rin bakit ka umalis?

sabi mo kasi talaga mahal mo ko. naaalala kita sa bawat sulok ng bahay, halos lahat kasi napwestuhan natin sa twing magmamarka tayo ng pagmamahal natin sa isa't isa. kamiss kagatin ang labi at tenga mo.

nakakamiss din kalmutin ka. pati ang iniiwan mong chikinini sa leeg ko nakakamiss din. pati ang kalmot ko sa likod mo nakakamiss din. lahat namimiss ko sayo.

tanging yung amoy mo sa kama na naiwan ang nagpapangiti sa akin, di ko na nga masyado inaamoy at sinisinghot dahil malapit na din mawala tulad mo.

4.23.17

baby.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon