"Bawal ang mga pangit dun!!...sige guys alis nako" sabay talikod niya
"Well, gwapo naman ako kaya pwede akong pumunta, di mo ko mapipigilan!!" Sigaw ko sa kanya kasi medyo nakalayo na siya
"Subukan mo ipapahabol kita sa German Shepherd namin!!!" Sigaw niya pabalik
"Aiisst!!! Kainis!!"
"Oh...Ash nakarating kana pala.....na sa'n ang pinsan mo? Ba't di kayo sabay umuwi?" Bungad sakin ni Tito pagkapasok ko sa bahay
"Hi Tito!! Nakauwi na pala kayo ...musta ang business trip niyo???" Tanong ko sa kanya kasi naman ang bruhang yun agad ang hinanap di man lang ako kinamusta..
"Wag mo ibahin ang usapan Ash na san si Ryn??" Hay naku!! Ano pa ba naman ang aasahan ko siya ang anak eh...natural siya talaga ang hahanapin
At Oo, mag pinsan kami ni Ryn at nasa iisang bahay lang kami nakatira ibinilin kasi ni Tito Enrico samin si Ryn since he's always out of the country
Kami lang naman ni mommy ang nakatira dito sa bahay at ang tatlong maid namin at tsaka Tito is the one who supported us financially mula nang maghiwalay sila mom at dad
Wala ring nakakaalam na magpinsan kami kasi wala namang nagtatanong at saka di kami nagkakasama sa school kasi di kami mag kaklase dati
"Ah...eh...Tito nauna na po syang umalis kanina, di nga nagpaalam eh!!" Sabi ko at napahawak naman siya sa sintido niya
"Hala, sige umakyat kana at mag bihis tapos hanapin mo si Ryn gumagabi na baka mapano pa yun"sabi niya
" eh Tito..." Magrereklamo sana ako pero di ko tinuloy sama kasing makatingin
"Sabi ko nga po susunduin ko si Ryn.. Hehehe...sige po akyat nako" saka pumunta sa kwarto ko
Andito ako ngayon sa labas ng isang coffee shop kung saan madalas tumatambay si Ryn
nakasandal ako motor ko nakikinig ng music habang hininhintay siyang lumabas
Nakaupo kasi siya ngayon sa usual spot niya sa pinakadulo ng
right side nitong coffee shop
busy siya sa pagtatype sa laptop niya habang kumakain ng cupcake na kulay yellow at nakalagay naman ang coffee niya sa kulay white na mug na may picture ng tatlong hugis patatas at kulay saging na nilalang habang nag seselfie, naka eye glasses ang mga ito at ang isa sa kanila ay isa lang ang mata, naka suot sila ng blue jumper, black shoes at gloves .....hulaan niyo kung ano o sino ang tinutukoy ko
Sikat kaya tong mga to... at sila ang nagpauso ng kantang...
Ba-ba-ba-ba-ba-nana
ba-ba-ba-ba-ba-nana
banana-ah-ah (ba-ba-ba-ba-ba-nana)
potato-na-ah-ah (ba-ba-ba-ba-ba-nana)
banana-ah-ah (ba-ba-ba-ba-ba-nana)
togari noh pocato-li kani malo mani kano chi ka-baba, ba-ba-nana
yoh plano boo la planonoh too ma bana-na la-ka moobi talamoo
ba-na-na ba-ba (ba-ba-ba-ba-banana) POH-TAAA-TOH-OH-OH (ba-ba-ba-ba-banana)
togari noh pocato li kani malo mani kano chi ka-ba-ba, ba-ba-nanaaaaah!
So alam niyo nah??? Adik kasi tong babaeng to sa mga patatas na saging na to
Alam niyo bang may tagline din sila dito??hulaan niyo kung ano...
Pag nandito ka bahagi ka na nila dimo pwedeng tanggihan,di ka ma a-out of place dahil....
'Your one of the minions' ka na!!!
Hahahahahaha!!!!
Nakita ko naman siyang nagligpit ng gamit niya at tsaka nagsuot ng headphone at lumabas na
Umayos ako ng tayo at kinuha ang dilaw na helmet at sinalubong siya
Napakunot naman ang noo niya nang nakita niya ako
"O..."sabay abot ko sa helmet
" anong ginagawa mo dito??" Tanong niya habang naka taas ang isang kilay pero ganun pa din di parin ito halos magalaw...Hahahaha!!!
" sinusundo ka, " sagot ko
Siguro nagtataka kayo kung bakit nakakarinig siya sa sinasabi ko kahit naka headphone siya well binabasa niya lang ang pagbukas ng bibig ko ...galing niya noh!! Ikaw kaya mag suot ng headphone sa buong buhay mo tapos tamad kang tanggalin pag may kausap ka syempre masasanay ka talagang basahin ang pag buka ng bibig ng kausap mo
"At sinong nagsabi sayong sunduin ako??" Tanong na naman niya
"Si Tito.." Sagot ko at nanlaki naman yung mata niya
"Seryoso?? Naka-uwi na si dad?!" Di maka paniwalang tanong niya
"Hindi joke lang yun" pilosopong sagot ko
"Wahhhh!!!...Tara !!!dali na baka di niya na ibigay yung pasalubong ko!!" At hinila niya ako pabalik sa motor
Nang makarating kami sa bahay agad namang kumaripas ng takbo papasok nagulat panga ako sa biglang pagbaba niya kasi di pa naka hinto yung motor tumalon na siya
Hindi naman halatang exited noh?!
Ipinark ko muna ang motor ko bago pumasok ng bahay
Naabutan ko naman ang mag ama sa sala
Si Tito pokus lang sa panunuod ng t.v habang si Ryn tuloy lang sa paglalambing dito
"Tatang...namiss kita, yung pasalubong ko??" Malambing nitong sabi
Yeah di niya tinatawag na dad ang daddy niya pag kaharap niya ito
"Tsk! ,sa'n ka galing??" Seryosong tanong ni Tito kay Ryn
"Hehehe... Dyan lang po sa tabi-tabi" nakangiting sabi ni Ryn
"I'm serious young lady... Where have you been??" Muli nitong tanong, napangiwi naman si Ryn
"Sa Bello Café lang po tatang..."
"Hayyy... Ikaw talaga.." Sabay iling ni Tito
"O..." Sabay abot ni Tito ng black box kay Ryn
"Ano to ?? ABS-CBN TV plus?!" Tanong ni Ryn at hindi ko mapigilang matawa.Hahahaha...!!!
"Silly!! Open it" sabi ni Tito sabay gulo sa buhok nito
Binuksan naman niya ito ang ngumiti nag pagkalakilaki...tapos......
SHINY!!!
Like a treasure from a sunken pirate wreck
Scrub the deck and make it look...
SHINY!!
I will sparkle like a wealthy woman's neck
Just a sec!(shiny -moana)
Kumakanta siya habang sinasayaw ang black box
"Wohhh!! Thanks tatang!!" Sabay akyat pataas
Napailing naman si Tito kay Ryn
Ang saya sa pakiramdam na makita mo rin siyang masaya
Mas mabuti nalang na ganyan siya kaysa naman sobrang tahimik niya
Pero ganyan lang siya sa mga taong malapit sa kanya she's not really a sociable person kaya masaya nga ako kasi nakikipag-usap na siya iba at may kaibigan na siya kahit papaano
Mahal na mahal ko ang pinsan kong yan kahit madalas kami mag bangayan pero ang totoo ganyan talaga kami mag lambingan
YOU ARE READING
The Hacker
Mystery / ThrillerIn our world we are the God of creation and destruction... With our bare hands we can make a change........ A BIG CHANGE!!!... that even the real world might suffer... With just a tap of our fingers we can make someone's life better or worser That's...
Hacker 4
Start from the beginning
