Eh pano ba naman kasi gusto niya sugorin yung kapamilya niya...ay mali yung stalker na nerd na di naman daw stalker kundi admirer na kung makakuha nang stolen pic eh wagas at parang naubos na lahat ng photo paper sa buong mundo para mapadevelop lang yung mga pictures....ay ewan ang gulo!!

Well guys di niyo pa siguro ako lubusang kilala noh?. Ash lang naman kasi tawag nila sa akin...

I'll introduce myself formally...

I'm Ashler Drew Lopez, 17 years of existence,mayaman, talented, matalino, famous at higit sa lahat ang pinaka gwapo lalaking nilalang sa mundo at kung ikukumpara sa dalawang lalaki na laging kong kasama ......HAYYYY...NO COMMENT

We'll may itsura naman sila, parehong matangkad, maputi, matangos ang ilong at may mga matang paniguradong makakapang-akit ng mga babae pero ....

WALA PARIN SILANG PANAMA SA KAGWAPOHAN KONG TAGLAY!!!

DIYOS KAYA AKO NG KAGWAPOHAN!!!HAHAHAHAHA!!!!

"ARAYYY!!!" Daing ko nang biglang may nambatok sakin tiningnan ko naman kung sino yun...

"Hanz naman!! Ba't mo ko binatukan?!" Reklamo ko kay Hanz ' sya pala yung nambatok!!'

"Tsk!! Para kang sira!! Tumatawang mag-isa.."sabi ni niya

" Ahhh...yun ba, may iniisip lang ako...hahahahahaha..." Sabi ko

"WOW!!! marunong ka palang mag isip?! Pano mo nagawa yun??? Akala ko kasi walang laman yang ulo mo !!!! Hahahaha!!" Biglang sabat ni Ryn habang himas-himas ang brasong hawak ni Hanz kanina

"Tsk, manahimik ka nga chabilita!!" Sabi ko, l na ikinataas ng kaliwang kilay niya...nakakatawa pang tingnan ang pagtaas ng kilay niya dahil halos di niya ito magalaw pataas pero pilit niya pa ding pinapataas...Hahahaha!!!

"Sige nga patunayan mo!! Anong iniisip mo?!" panghahamon niya..

Napayuko ako at Inilagay ko ang kanang kamay ko sa bulsa habang ang kaliwa naman ay nasa buhok at dahan dahang inangat ang ulo sabay kagat ng pang ibabang labi para maimpasize ang kagwapohan ko...

"Hanz...Aze...matanong ko lang...di ba kayo gumigising ng maaga???" tanong ko sa kanila

"Huh?? Anong ibig mong sabihin...maaga kaya akong gumigising??" Nagugulohang tanong Hanz

"Eh kasi parang tira-tira lang ang nakuha niyo nung nagsabog ang Diyos ng kagwapohan sa mundo...nasalo ko ata lahat!!......hahahahahaha" sabi ko sabay tawa

"Tsk!!" yan lang ang sinabi ni Aze habang si Hanz naman napailing lang...anong problema nila???

"WHAT??!! Totoo naman diba ?? Mas gwapo ako kaysa sa inyong dalawa noh??"sabi ko, pa'no ba naman eh mukhang tutol sila sa sinabi ko

"Ay...Oo nga Ash...mukhang nasobrahan ka nga sa kagwapohan eh, nagmukha ka tuloy IMPAKTO na naimpatcho!!!....YUCK!!! NAKAKASUKA!!!" sabi ni Ryn ...'UGHHHH WALA BA SIYANG MATINONG MASASABI?? KUNDI PURO LAIT LANG??!!'

"ISA KA NALANG CHABILITA HA!!" sabi ko sa kanya pero inirapan niya lang ako??!!

"Hahahahahaha...Ash sira ata yung mata mo ...mag pasalamin kana kaya nang makita mo ng malinaw ang sarili mo sa salamin"sabi ni Hanz

" Hanz!!! Pati ba naman ikaw!!?" Wow hah!! Pinagtutulungan niyo ba ako!??"

"Hindi Ash... Gusto ka lang namang gisingin ni Zai sa katotohanan eh...Hahahaha!!!" Komento na naman ni Ryn

"Ay!! Ewan ko sa inyo!!" Pagmamaktol ko

"Guys C.R lang muna ako ha..." Biglang sabi ni Ryn at nagmamadaling pumunta sa C.R habang hawak hawak ang braso

The HackerWhere stories live. Discover now