CHAPTER 38: SAVE THEM

9.7K 212 9
                                    

ZACK'S POV

Nakita kong napatigil siya at lumingon sakin na halata ang gulat at pagtataka sa mukha nya. Kahit sila drake ay nagtataka.

She needs to know all the truth. I need to tell her but can she handle it?

"How did you know her?"  sabi nya at sa isang iglap lang nasa harap ko na siya

"Pwede bang tayong dalawa lang ang mag-usap? Di naman nila kailangan malaman kung anumang sasabihin ko. They should stay out of it. It's only between the two of us" sabi ko

"Bakit pa?! Pwede namang sabihin mo kay sophie ang lahat kahit nandito kami ah! Siguro may binabalak kang masama kay sophie! Siguro puro kasinungalingan ang lahat ng sinabi mo kay sophie para magawa mo ang plano mo?! Pwes di ka namin hahayaang magtagumpay! " galit na sigaw ni clyde

"Alam mo clyde nasa inyo na yan kung maniniwala kayo o hindi and besides wala akong paki kung di kayo naniniwala sa sinabi ko ang importante lang sakin ay si sophie" sabi ko

Hindi naman porke pinaubaya ko na si sophie kay clyde ay ibig sabihin titigil na kong mahalin siya. Oo alam kong ang tanga ko para patuloy na mahalin ang taong di ako kayang mahalin.Kahit anong gawin ko di kayang alisin at kalimutan ang nararamdaman ko para sa kanya. Siya ang nagbibigay sakin ng sakit pero siya din ang nagbibigay ligaya sakin.

"Sophie please trust me di ako gagawa ng bagay makakasakit sayo. You know me enough. Please" pagmamakaawa ko sa kanya

I can't see any emotions on hero face. She's just staring at me coldly.

"Leave us alone" sabi ni sophie

Nagulat naman sila Clyde sa sinabi ni sophie

"But sophie! -" di na naituloy ni Clyde ang sasabihin nya ng magsalita ulit si sophie

" I. SAID. LEAVE. US. ALONE" sabi ni sophie at diniin nya pa ang mga salita nya

"Tsk. Fine. Ikaw Zack pagmay ginawa kang masama kay sophie papatayin kita tandaan mo nasa teritoryo ka namin kaya kapag may ginawa kang di ka nais-nais di kana makakalabas pa dito ng buhay" pagbabanta sakin ni Clyde bago sila umalis

"Now speak" sabi ni sophie

"Okay. The truth is Lexie is one of our allies. Inutusan sya ni zayne na bantayan ka para walang lalaking umaaligid-ligid sayo" sabi ko at nakita ko kung pano nanlaki ang mga mata nya at bumalatay ang sakit sa mga mata nya.

Pano pa kaya kapag sinabi ko yun? Siguradong mas lalo syang masasaktan.

"Ibig sabihin kaya nya ako nilalapitan noon ay di lang dahil sa gusto nyang sumikat kundi dahil isa sya sa tauhan ni zayne na inatasang bantayan ako ganun ba?" puno ng hinanakit na sabi nya

"Oo. At dahil mahal nya si zayne lahat gagawin nya para kay zayne. Pinatay ang buong pamilya nya ng isang dark creature walang natira ni isa sa pamilya nya at nang siya na ang papatayin ng dark creatures zayne saved her life because of that she fell in love with him. Noong una galit sya at gusto ka nyang saktan kaya pumayag sya sa misyon pero sa simula lang yun. Nakita ko habang tumatagal ay mas lalo ng napapalapit ang loob nya sayo. Naaalala nya ang namatay nyang nakababatang kapatid na babae sayo dahil dun itinuring ka na nyang kapatid. Pinilit nyang pigilan iyon dahil siguradong kapag di nya napigilan ang damdamin nya ay maari itong maging hadlang sa misyon nya. Pero dahil nga sa likas na dakila ang puso mo ay di nya nagawa iyon. Maniwala ka pinahalagahan at minahal ka nya tulad ng isang totoong kaibigan. Dumating ang araw na di na kinaya ng konsensya nya na magsinungaling pa sayo. Kaya gumawa sya ng bagay na pagsisihan nya" sabi ko

Legendary Goddess (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon