Chapter 36: TWO

10.8K 257 0
                                    

SOPHIE'S POV

Andito kami ngayon sa likod ng mansion namin. Nakabukas na ang portal at handa na kaming umalis sa mortal world at bumalik na sa ausgberg.

"Waahhh! Baby girl! Mamimiss kita! Lagi kang mag-iingat doon ha? Kumain ka lagi at wag kang magpapalipas ng gutom ah!" paalala ni mommy sakin

Napapikit ako ng mata ko dahil dun dahil siguradong aasarin na naman ako nila clyde nito mamaya.

"Yes, mom." sabi ko at yinakap sya

"Lagi kang mag-iingat doon ah. At sana lagi kang tumawag samin para nakakausap ka namin lagi at para malaman kung ayos ka lang" sabi ni daddy sakin

"Sure, Dad." Sabi ko

"Waaahhhh! Baby girl! I will miss you!" Sabi ni mommy habang ngumangawa

Minsan di ko alam kung matatawa ako o maiinis sa pagiging childish nya. Minsan nga nagdududa ako kung sino ba talaga ang mas matanda samin eh. Mas matured pa kasi akong mag-isip Kay mommy.

"Sige na umalis na kayo baka kanina pa kayo hinihintay ng mahal na Hari" Sabi ni daddy at kahit di nya ipakita samin Alam Kung nalulungkot sya sa pag-alis namin.

"Tara na" Sabi ni kuya Drake at pumasok na sa portal na ginawa kanina ni Yna.

Samin kasing magkakaibigan si Yna ang pinakabihasa sa paggawa ng portal. Pumasok na din ang iba. Nakita ko si Clyde na mukhang hinihintay ako. Kaming dalawa na Lang kasi ang natira. Agad akong tumakbo papalapit kila mommy and daddy at niyakap sila. Di ko mapigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Kahit na childish si mommy mamiss ko siya. At mamimiss ko ang pag-iispoiled sakin ni daddy.

"Lagi kang mag-iingat, anak. Wag kang magpapatalo kay Zack. Labanan mo sya. Lagi mong tatandaan na lagi kang welcome dito sa bahay natin. Mahal na mahal ka namin. Ikaw lang ang nag-iisang baby girl namin." sabi ni daddy habang hinaplos ang buhok ko

"Mahal na mahal ko din po kayo mom, dad. Kahit na kasama ko na ang totoong pamilya ko kayo padin ang nag-iisang mommy and daddy ko dahil pamilya ko din kayo." Sabi ko

"Sophie, let's go! Magsasarado na ang portal!"  Sabi ni Clyde

"Goodbye, mom, dad." Sabi ko at tumakbo palayo nung nasa tapat na ko ng portal at muli ko silang sinulyapan sa huling pagkakataon.

Kumaway lang sila sakin habang tumutulo ang mga luha sa mga mata nila pero nakangiti sila. Ngumiti din ako sa kanila at kumaway tas pumasok na kami ni Clyde sa portal. Agad akong dumilat ng maramdaman Kong nakaapak na ang paa ko sa lupa. And here I am sa totoo kong mundo. It's good to be back. Ngayon kailangan na naming harapin ang reyalidad.

"Sophie, let's go. We need to go to the palace. Sigurado akong kanina pa tayo hinihintay nila ama." Sabi ni kuya Drake.

Nagteleport na kami papunta sa palasyo. At sa isang iglap Lang nandito na kami sa harap nila ama at ina.

"Ama! Ina!" sigaw ko at agad niyakap sila ng mahigpit at niyakap naman nila ako pabalik

"Namiss ko kayo ama, ina." sabi ko

"Namiss din namin ang pinakamagandang prinsesa sa buong Ausgberg." sabi ni ama

"Ikaw talaga ama ang masyado pading mabulaklak ang bibig mo. Di na nakakapagtaka na napa ibig mo si ina." natatawang sabi ko

Legendary Goddess (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now