CHAPTER 32: FORGIVENESS

11.9K 327 30
                                    

Authors Note:

Waaahhh!! Mianhe if ngayon lang ako nakapag UD 😅😅 Sorry po kung sobrang tagal nung UD!! Sana po masatisfied po kayo sa UD ko ngayon.Salamat po sa lahat ng mga readers na walang sawang sumusuporta at nagbabasa ng story kong ito kahit sobrang tagal ng mga UD ko.Happy 101k!! This chapter was dedicated to Eyey_12, Mirai_Alysia and braaylle mayrubin.Keep supporting my story because there was 5 or more chapters to go and this story will be done.So It will be my pleasure if you'll keep supporting my story till the end. I love you all readers!! 😘😘

***

SOPHIE'S

Unti-unti kong dinilat ang mga mata ko.Inadyas ko muna yung paningin ko. At nang makaadjust na ang paningin ko ay inilibot ko ang paningin ko.

Nakita ko si clyde na nakahawak sa kamay ko habang nakasandal ang ulo sa kama ko. Nakita ko din sila kuya drake sa loob ng kwarto ko.Nakahiga sa sofa si kuya drake.Tapos yung iba ay sa sahig na natulog naglatag na lang ng comforter.

Aaminin ko natouch ako dahil nag-effort talaga silang bantayan ako pero di ko magawang maging masaya dahil sa effort nilang ito dahil hanggang ngayon galit padin ako sa kanila. Kahit anong pilit ko sa sarili ko na wag magalit dahil inaalala lang nila ang kalagyan ko. Sila ang pinaka inaasahan kong pagdududahan ako. It hurts to know that the people you trusted the most doesn't trust you. Pagdudahan na ako ng buong mundo wag lang sila. Sariwa parin sakin ang sakit na para bang kanina lang iyon nangyari. Their words are engraved in my mind and heart. And I won't act as if it doesn't affect me. I want to be true to them no matter what happens. Also I won't invalidate my feelings just because they'll get hurt. I'm not that kind I also have limitations.

Gustuhin ko mang patawarin sila ay di ko magawa masakit parin para sakin ang nangyari. Ayokong patawarin sila ng dahil lamang sa utang na loob ko sa kanila sa pagliligtas nila sakin.

Ayokong magpanggap na napatawad ko na sila dahil lang sa utang na loob dahil kapag ginawa ko yun kami din ang mahihirapan. Ayokong makipagplastikan sa kanila. Gusto kong mapatawad sila ng bukal sa loob at hindi dahil lang sa kailangan ko silang patawarin. Sabi nga nila madaling makuha ang tiwala pero at the same time madali ding nawala. Mahirap ibalik.Kung maibalik mo man may lamat na. Di na sya magiging katulad ng dati.

Ang lupit talaga ng mundo parang noong kailan lang ang saya-saya pa namin pero tignan mo kami ngayon puno na sakit at problema.

Nabalik ako sa reyalidad ng maramdaman kong may mainit na likido ang dumadaloy sa mukha ko.

Agad kong pinunasan ang mga luha ko at dahan-dahang inalis ang pagkakahawak ni clyde sa kamay ko at dahan-dahang lumabas ng kwarto.

Tumakbo ako ng mabilis gamit ang vampire speed ko para kung sakaling hanapin man nila ako ay di nila ako agad mahahanap.

Gusto munang lumayo. Gusto ko munag mapag-isa muna kahit sandali. I need space to think clearly. At nung nasigurado kong malayo na ko ay huminto na ko. Nagsimula akong maglakad-lakad upang makapag-isip-isip. I need this ayokong magpadalos-dalos sa mga gagawin ko.

Naguguluhan na kasi ako kung dapat ko bang silang patawarin o hindi.

Sabihin nyo na OA ako. Pero kasi nawala na yung tiwala ko sa kanila.It hurts that the persons you've trusted the most was never trust you like the way you do.

Legendary Goddess (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon