Chapter 12:She's Dead?!

24.1K 733 64
                                    


SOPHIE'S POV

Hello to all of you! Ang ganda ng gising ko ngayon.Alam nyo kung bakit? Because today is my birthday!

Yung sayang nararamdaman ko ay biglang napalitan ng kaba sa di ko malamang dahilan.

Hinayaan ko na lang yun at ginawa na ang morning routine ko. Pagkapunta ko sa room nakita ko sila vanessa

"Hi!" masayang bati ko

Pero imbis na mag greet back o di kaya ay batiin ako ng happy birthday they just give me a cold stare at di ako pinansin.

Nalungkot ako sa ginawa nila gusto kong umiyak sa treatment na binibigay nila sakin ngayon.

Hanggang sa nagbreak na di nila ako pinansin, nginitian o tiningnan man lang.

Parang dinudurog ang puso ko dahil sa ginagawa nila.Umasa ako na babatiin nila ako dahil kaarawan ko di kaya'y magbobomding kaming magkakaibigan.

Tama nga ang iba wag kang umasa masasaktan ka lang.

Pero di din naman natin masisi yung mga umasa tao din sila at di nila mapipigilan ang nararamdaman nila.Madaling sabihin na wag umasa pero mahirap gawin lalo na kung sila mismo nagpapakita ng motibo para umasa ang iba.

Hayyyss! Akala ko naman magiging masaya ang birthday ko ngayon hindi pala akala ko lang pala.

Di ko manlang namalayan uwian na pala masyado ko kasing iniisip kung bakit ganun sina vanessa o di kaya kung may nagawa ba kong kasalanan.

Ako na lang ang natira na estudyante sa room kaya kinuha ko na yung bag ko at umalis na.

Pagkalabas ko nakita kong walang tao kahit isa dun ako nagsimulang kabahan.

Habang naglalakad bigla na lang bumukas ang lahat ng ilaw kasabay ng pagsabi ng lahat ng

"HAPPY BIRTHDAY SOPHIE!!"

sigaw ng lahat tama lahat dahil lahat ng estudyante ay nandito.

Kung kanina gusto kong umiyak sa sobrang lungkot ngayon gusto kong umiyak sa sobrang saya.

Tuluyan na kong umiyak. Agad naman ako pinuntahan nila clyde. Niyakap ako ni clyde at pinapatahan

"Shhh! Wag ka ng umiyak.Sorry sa ginawa namin kanina.Kasama yun sa plano naming sopresahin ka eh" sabi ni clyde at inangat ko ang ulo ko para makita sya.

Agad nyang pinunasan ang luha ko gamit hinlalaki nya.

Agad ko syang hinalikan and nagrespond naman sya.We kissed passionately.

At naghiwalay na kami dahil kailangan namin ng hangin

"You don't know how happy I am. This is the best birthday I have" sabi ko and he chuckled

"You're welcome" sabi nya

At pagkatapos nun nagkaroon ng party invited ang lahat nagkaroon ng kainan sayawan kulitan grabe ang saya!

Maya-maya nagpaalam na ko sa kanila na uuwi na ko sa dorm ko at nag-offer pa nga sila na ihatid ako sa dorm ko pero di ako pumayag dahil kaya ko naman na pumunta sa dorm ko ng mag-isa.

Habang naglalakad ako napadaan ako sa isang gubat di ko alam kung bakit bigla na lang akong naglakad papasok ng gubat parang may sariling buhay ang mga paa ko.

Pilit kong hinihinto yung paa ko pero ayaw huminto.

Hanggang sa mapadpad ako sa gitna ng gubat.

Legendary Goddess (UNDER EDITING)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin