Chapter 9: Couples

31.6K 835 64
                                    

CLYDE'S POV

Andito na kami sa palasyo nila drake. Nang makita namin ang mahal na hari at reyna agad kaming yumuko biglang paggalang.

Kahit isa ka pang prinspe/prinsesa at hari/reyna ng ibang kingdom kailangan mong magbigay galang sa hari/reyna prinsipe/prinsesa ng royal kingdom.

Kung prinsipe/prinsesa ka ng royal kingdom kailangan mo paring yumuko sa harap ng hari at reyna ng royal kingdom dahil mas mataas sila sayo.

"Mahal kong ama at ina gusto naming ibalita sa inyo na nahanap na namin ang nawawalang prinsesa" sabi ni drake

At biglang napayakap ang mahal na reyna sa mahal na hari at umiyak.

"Salamat sa diyos at nahanap nyo na sya!!" umiiyak na sabi ng reyna

"Pwede na po ba nating ipaalam kay sophie ang totoo??" tanong ni Yna

"No!! Yan ang wag na wag nyong gagawin!!" sigaw ng mahal na reyna

"Pero bakit po??" tanong ni clarence

"Dahil kapag ginawa nyo yun mamatay si sophie" sabi ng mahal na hari

WTF?!

"P-pero p-pano??" nauutal na tanong ni vanessa

"Diba wala syang naaalala?? Kapag nalaman nya ang lahat ng wala sa tamang panahon maaring di kayanin ng utak nya at mamatay sya" sabi ng mahal na reyna

"Kailan po ba ang tamang panahon na sinasabi nyo?" tanong ko

"Sa ikalabing anim na kaarawan nya" sabi ng mahal na hari

"Ano po bang mangyayari sa kanya pagsapit ng panahon na iyo??" tanong ni drake

"Sasakit ang ulo nya dahil maaalala nya na ang lahat. Maari syang magising at mabuhay pagkatapos nun pero maari ding ikamatay nya iyon at habang buhay na syang di magigising" sabi ng reyna

WTH?!

So walang kasiguraduhan na mabubuhay si sophie?!

"Kaya mas mabuting bantayan nyo sya ng maigi dahil baka may kung anong mangyari sa kanya" sabi ng hari

Legendary Goddess (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon