2.Maid from Heaven

Start bij het begin
                                    

Mas lalapitan ko pa sana siya para pagmasdan pero may tumahol na Tuta sa harapan ko dahilan para magising ito..

Arf! Arf!

Sino ka?!!! Anong ginagawa mo dito? Lakas, lakas ng loob magtanong sa sarili ko pa talagang lupain..

Siguro Rapist ka no?! Wag kang lalapit! Teka ano daw? Rapist? Sa mukha kong ito baka sila pa ang magparape sa akin....

Sigur..... i cut her words

Shut up! Pwede ba tumahimik ka muna...Fudge ang daldal niya...kung anong amo ng mukha siya namang tabil ng dila.

Miss ako ang dapat magtanong kung anong ginagawa mo dito sa Kubo ko? Pangalawa rapist? Ako? Bulag ka ba?
Ang aga aga sinisira niya na ang araw ko.

Tila natauhan naman ito at nagmadaling bumaba ng Kubo, sinundan ko nadin siya..naglakad lakad ito at tinanaw ang paligid..

GRRRRR!! ARF! ARF!!!!!! tahol ni Bite sa kanya..

No way!!!! Ikaw na namang halimaw ka!!!! Singhal nya kay Bite pagkatapos ay tumakbo papunta sa akin..at ganon nalang ang gulat ko ng mabilis itong nakapagtago sa likod ko..

Mr! May halimaw! Baka kainin ako..hindi ko alam kung maiinis ba ako sa kanya dahil tinawag niyang halimaw si Bite o matatawa dahil ang tapang tapang niya kanina tapos ngayon takot naman pala sa Aso.

Bite!!!! Sigaw ko sa alaga ko.

Isang malakas na hampas sa likod ko ang lumagapak pagkatapos ko tawagin si Bite na ngayon ay tumigil ilang hakbang mula sa amin.

Langyang babae, anong problema niya at bigla bigla nalang nanghahampas...

Anong Bite ang pinagsasabi mo? Wala ka bang puso o kaluluwa ipapalapa mo pa ako sa halimaw na yan!? Magagalit na sana ako dahil sa medyo masakit ang pagkakahampas niya sa likod ko pero mas natatawa ako dahil mangiyak ngiyak na ito...

Pwede ba..bago ka pa maglupasay dyan..hindi halimaw ang alaga ko at para malinaw lang, Bite ang pangalan niya.. ako

Alaga mo yang.. yang mamaw este asong yan...eh kahapon muntik na kaming lapain niyan..Kaya kami napadpad dito sa Kubo mo kasi naman hinabol niya kami...kami? Wala naman akong nakikitang kasama niya..May saltik yata tong babaeng to..

Sinong kami Miss? Eh mag isa mo lang naman...sayang maganda pa naman takas yata sa mental.

Kami ng Tuta...Teka nasan na ba siya? Napa iling nalang ako..yong Tuta pala ang tinutukoy niya...

Buhat buhat na niya ito ngayon...

Teka Miss...hindi mo pa ako sinasagot..sino ka ba? Tila bigla naman itong nabalisa sa tanong ko...

Krrooooooo!!!!! Nakatingin ako sa kanya dahil sa tunog na yon...

Sorry Mr. Nagrereklamo na yata ang mga alaga ko sa tummy este tiyan kagabi pa kasi ako hindi kumakain.. natawa ako, dahil hawak niya ang tiyan at kagat kagat pa ang labi na parang bata.

Kismet (Completed)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu