Ikalimampu't Limang Kabanata

Start from the beginning
                                    

Nagkanya-kanya kami ng babaan mula sa yate. Nakaakbay ako kay Athena habang pinagmamasdan naming mamangha ang mga kasama namin.

"Grabe pre. White sand." Aries

Sabay-sabay naman kaming naglakad papunta sa hotel. Magkahawak ang kamay namin ni Athena habang naglalakad sa puting buhangin ng isla.

She's been weird and all. Napakatahimik ni Athena nitong nakaraang araw. Although her jolly and fun attitude is back, still I know may kulang pa rin. May wala.

"Andrew! Look who's here!" Pagsigaw ni Athena.

Napadako ang tingin ko sa mga taong tinuturo niya. The girl is familiar pero hindi ko pa makilala dahil ang layo nila mula sa amin.

"MYLOVEEEEEES!!!"

What the?! What is she doing here?

"Princess." Walang ganang pagtawag ko sa kanya.

Nilingon ko si Athena na wala lang ding pakialam. Tahimik lang siyang nakatingin kay Princess.

"SUGAR?!"

Napatingin kami sa lalakeng kasama ni Princess. Sinong tinatawag nitong sugar?

"MURIATIC ACID?!" Athena

ANO?! MURIATIC ACID?! Anong klaseng tawagan yan at bakit may tawagan silang dalawa?

"Ouch naman Sugar. Muriatic acid talaga?" yung lalake

"Alangan namang iba ang itawag ko sayo? Yun lang naman talaga tawag ko sayo." Athena

"Eherm eherm ..." Tumikhim ako para makuha ang atensyon nilang dalawa.

"Anong nangyayari sayo? Inuubo ka ba?" Nag-aalalang tanong ni Athena.

Minsan pala, slow din tong babaeng to?

"May gamot ako dito ..." Saad nung muriatic acid daw habang kinakalkal ang bag na dala niya.

"No need. Hindi siya basta-basta pwedeng uminom ng gamot." Pinigilan ni Princess yung lalake.

"Eh? Bakit?" Yung lalake.

"May sakit siya sa puso." Princess

"He has heart problems." Athena

Natahimik kaming apat. Hindi ko alam kung dahil sa sakit ko o dahil sa awkwardness na sabay na bumalot sa aming apat.

Kaya hanggat maari ayokong may nakakaalam ng patungkol sa sakit ko. Pakiramdam ko kinakaawaan ako.

"Athena, let's go. See you around guys." pambabasag ko sa katahimikan.

Napatango lang si Athena at naglakad na kaming dalawa papasok ng hotel.

>_<

ANG TAHIMIK NI ATHENA!

Pakiramdam ko galit na naman to.

"Boss ang tagal niyo naman." Leo

"No need to wait for us. Solo naman natin tong hotel. Kanya-kanya na kayo ng kwarto."

Kinuha lang namin ni Athena yung keycard sa executive suite tapos sumakay na kami sa elevator paakyat sa suite.

Hindi ako nagsasalita. Maski siya. Ingay lang ng aircon at ng pag-akyat ng elevator ang narinig namin.

I can't understand why all of a sudden she was so silent. Okey naman kami kanina. Well not until Muriatic Acid and Princess entered the picture.

Ayoko na ng silent treatment! T_T

"Athena-"

"How come she knew?" Diretsong tanong ni Athena habang nakatingin sa pinto ng elevator.

"Kababata ko si Princess kaya alam niya."

"Okey." Athena

Saktong bumukas ang pinto ng elevator at diretso kaming dinala sa suite namin. May isang malaking pinto bago makapasok sa mismong suite.

Diretso siyang pumasok at naupo sa sofa. Hinilot niya ang sintido niya habang nakapikit.

"What's the matter?" tanong ko sa kanya ng maupo ako sa tabi niya.

"I- I can't understand myself." Athena

"Anong hindi mo maintindihan?"

Humarap siya sa akin. Nanghina ako ng makita ko ang ekspresyon ng mga mata niya. Halatang naguguluhan siya.

"Hindi ko alam kung bakit naiinis akong alam niya ang patungkol sayo. Alam ko it's only natural na malaman ng mga malapit sayo yung patungkol sayo pero naiinis ako. Pakiramdam ko kasi pinapamukha niyang mas marami siyang alam patungkol sayo kaysa sa akin. Naiinis ako." Athena

Pagkatapos niyang magsalita, sumandal siya sa dibdib ko. Gamit ang isang kamay ko niyakap ko siya.

"Athena, wala yan sa kung sino ang nauna. Ang mahalaga ay kung sino ang huli." Nakangiting sabi ko.

Iniangat ko ang mukha niya. Tinignan ko siya ng diretso sa mata.

"At kung konti lang ang nalalaman mo sa ngayon ..." Pinagdikit ko ang ilong naming dalawa dahilan para mapapikit siya. "We have the rest of our lives to know about each other."

Naramdaman ko ang pagtango niya. I guess her mood is better now. She compared herself to Princess which is not right. She is beautiful and unique in her own way.

Hinawakan at hinatak ko ang batok niya para mahalikan siya. It was a promise. A promise to know each other for the rest of our lives. A promise sealed by a kiss.

Then we made our way to our own paradise.

A/N: May humihiling. BS daw since patapos na ang STB. Sige, pagbibigyan ko kayo pero IPIPRIVATE ko yung chapter na yun. Hindi ako pavirgin and all dahil lang ipaprivate ko yung next chapter. Alam niyong NTF ang forte ko. Sa chapter na yun ko na ipapaliwanag kung bakit ipaprivate ko siya. Yieee~

Dedicated tong chapter na to sayo dahil I love your comment on the last chapter. Naappreciate ko yung comment mo. :D

She's the BossWhere stories live. Discover now