Ikatlong Kabanata

48.3K 855 29
                                    

Athena's POV

"Hoy best. Anong mukha yan?" Hera

I'm pissed off. Ilang araw na lang at ikakasal na ako. Yes. They are in a hurry. So hurry to the point that they prepared the wedding overnight. Imagine? Overnight lang nila inasikaso ang wedding.

Si mommy ang nakipag-usap sa hanggang ngayon ay hindi ko pa nakikilalang fiance ko. Ewan ko ba kung bakit hanggang ngayon ayaw magpakita nung fiance kong yun. Panget siguro siya. Baka takot sa tao? Hindi ko alam dahil wala naman akong pakialam sa kanya.

As long as hindi niya ako papakialaman, magkakasundo kaming dalawa.

"Wala. You got the invitation?"

"Yeah. Hindi ka naman nagmamadaling matali sa lagay na yan best?" Hera

"Tss. Buti nga sana kung ako ang nagmamadali."

Ni hindi nga ako excited sa kasal na yan. Sila lang naman ang magbebenefit sa kasalang yan.

**boogsh**

Nabigla ako ng ihampas ni Valencia ang isang dyaryo sa desk ko. Bastusin to ah. Binigyan ko siya ng tingin na "gusto-mo-na-mamatay?"

Wala itong imik na umalis sa harap ko. Kinuha ko ang dyaryo at tinignan kung anong nandun para ibigay sa akin ni Valencia yun ng bastusan.

O___O

Literal na nanlaki ang mga mata ko sa nabasa ko.

The Heiress and the Youngest CEO in the Philippines is soon to tie the knot.

WHAT THE HECK?! PAANONG NANGYARING SIYA ANG MAPAPANGASAWA KO?!

Dali-dali akong tumayo at tsaka nagtungo sa office niya. Hindi ko maintindihan bakit siya pumayag. At bakit of all people, ang lalakeng tinik sa buhay ko ang magiging fiance ko.

Andrew's POV

Napatingin ako sa pinto ng office ko ng makarinig ako ng kalabog. Napabuntong hininga na lang ako ng makita ko ang itsura ng pinto ko.

Sinipa lang naman ng babaeng sakit sa ulo ko ang pinto ng opisina ko. Kahit kailan problema ang dala nito sa buhay ko.

"Care to explain this?" Athena

Ibinato niya sa desk ko ang dyaryo. Sa totoo lang nakita ko na kaninang umaga yan. Habang nag-aalmusal ako, yang masamang balitang yan ang bumungad sa akin. Akala niya siguro ginusto ko rin yan. Akala niya lang yun.

"Well, read the article. Malinaw na nakasulat diyan ang mga bagay-bagay. Wala na akong dapat ipaliwanag."

Sa totoo lang pagod pa ako. Galing pa akong conference abroad at kababalik ko lang pero kailangan ko pa ring pumasok dahil natambak ang gawain dito sa SC office.

"Damn it Santillan! Bakit ikaw?" Athena

"Bakit Ricafort? May problema ba? Hindi ka ba masaya na ako ang mapapangasawa mo?"

"Your pissing me off Santillan. Kung gusto mo akong gantihan, humanap ka ng ibang paraan. Wag mo kong gamitin para sa mga kalokohan mo. Hindi ka nakakatuwa." Athena

Lumapit ako sa kinalalagyan niya at tsaka siya nginitian ng may halong pang-aasar.

"Sinong nagsabi sayong natutuwa ako sayo Ricafort? Tingin mo natutuwa ako na ang soon to be wife ko ay isang patapong nilalang na pinalad na isinilang sa isang mayamang pamilya?"

**PAK**

I can tell that she's pissed off. Ngayon ko lang siya nakitang ganyan. She never looked so weak in front of other people.

She's the BossWhere stories live. Discover now