Ikaapatnapu't Pitong Kabanata

28.6K 510 29
                                    

Athena's POV

"Miss, Andrew Santillan?" Tanong ko sa nurse.

May tinaype ito sa keyboard at muling binaling sa akin ang atensyon niya.

"Room 143 po Mam."

Dali-dali akong pumunta sa room 143. Nagkawala-wala pa ako kakahanap sa kwartong yun.

Kakatawag lang sa akin ni Gary. Sabi niya inatake daw sa puso si Andrew. Kahit na galit ako sa ginawa niya, mahal ko pa rin siya at hindi ko gustong may mangyaring masama sa kanya.

Pagpasok ko ng room 143, nakahinga ako ng maluwag ng makitang nakahiga si Andrew at natutulog sa kama. Napaupo pa ako sa sahig dahil sobrang nag-aalala talaga ako sa kanya nang tawagan ako ni Gary kanina.

"Mam Athena." Inalalayan ako ni Gary paupo sa sofa.

Nakatulala lang akong nakatingin sa kanya. Sa tuwing nakikita ko siya, naiiyak ako. Naalala ko yung nangyari kanina. Hindi ko maiwasang masaktan na naman.

"Boss ..." Hingal na sambit ng mga zodiacs.

Sabay-sabay silang pumasok ng kwarto ni Andrew. Kitang-kita na gaya ko ay nag-alala din sila para sa kanya.

"Kamusta na si boss?" Tanong ni Leo sa akin. Umiling ako dahil hindi ko rin naman alam ang tunay na kalagayan ni Andrew.

Nanatili lang kaming lahat sa loob ng kwarto niya. Hinihintay naming magising siya. Naupo ako sa upuang katabi ng kama niya at hinawakan ang kamay niya.

Nawala bigla yung galit at sakit na nararadaman ko ng makita ko siyang nakahiga dito. Kahit kailan hindi ko ginustong umabot sa ganito ang lahat.

Maggagabi na ng makaramdam ako ng kamay na marahang humahaplos sa uluhan ko.

"Good evening." Nakangiting bati niya.

Naiyak ako ng makita ang ngiting yun sa mga labi niya.

"Oh? Bakit ka umiiyak? Hindi pa ako patay Athena. Wag mo kong iyakan." Andrew

Mas lalo naman napalakas ang hikbi ko dahil sa sinabi niya. Nakakainis siya. Pagkatapos niya akong pag-alalahanin bigla niya akong sasabihan ng ganun?

"Wag ka na umiyak. Alam mo namang ayaw na ayaw ko ng umiiyak ka di ba?" Andrew

Pinahid niya ang mga luha kong patuloy sa pag-agos.

"Bakit mo tinago?" Saad ko sa pagitan ng mga hikbi.

"Anong tinago ko?" Sagot niya habang pinulunasan ang mga luha ko.

"Na may sakit ka."

Umiling siya at hinawakan ang mukha ko.

"Hindi ko tinago. Akala ko lang nawala na. Bata pa ako noong huli kong naramdaman yun. Akala ko nawala na. Naoperahan na kasi ako noon. Nasobrahan lang siguro sa emosyon kaya nagtrigger ulit." Andrew

Kahit na hindi mawala sa isipan ko yung nakita ko kanina, hindi naman maitatago sa mukha ko na masaya akong makita siyang ligtas.

Thank you God.

"Isa pa, hindi pa ako pwedeng mamatay ng hindi nakakahingi ng tawad sayo." Nakangiting saad niya.

Naluha akong muli ng ipaalala na naman niya ang patungkol doon. Hindi ako nagsalita dahil masakit pa rin sa loob loob ko.

"Athena, i'm sorry. Hindi ko alam na nakita mo kami sa isang hindi magandang sitwasyon. Hindi ko alam kung bakit nasa kandungan ko siya pero paniwalaan mo ako, ikaw lang ang mahal ko at hindi ko magagawang lokohin ka dahil mahal na mahal kita." Andrew

She's the BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon